^

PSN Opinyon

Kubeta hindi kudeta

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
NAGPAPARAOS lang pala ng sama ng loob ang ilang sundalo sa kubeta at hindi nila balak mag-kudeta laban sa gobyerno ni Prez Gloria gaya ng mga kumakalat na balita.

Pero gimik ang tsismis porke may plano ang mga udyukero na sirain sa madlang people ang kredibilidad ni GMA para mawalan ng gana ang mga supporters nito na suportahan ang proyeko nitong magpapaunlad sa bansa.

Ginamit ng mga kamoteng kenkoy ang isyu tungkol sa suweldo ng mga military para nga naman gumanda ang senaryo ng kanilang planong paggiba sa bulilit.

Pero ang isyu tungkol sa suweldo ay matagal nang pinag-uusapan panahon pa ni ex-Col. Greg Honasan noong aktibo pa ito sa rambutan este mali pala sa RAM.

Na-resolba na ito mga kamote noon pang iba pa ang namamahala ng gobyerno tumaas na ang base pay pati ang combat pay ninyo kaya para sulsulan ninyo ang low ranking soldiers ay tigilan ninyo na ito. Mga kampo kayo ni Satanas!

Pati kaming mga kuwago ng ORA MISMO at mga civilian na inosente at takot sa gulo ay sinasama ninyo sa mga katarantaduhan ninyo.

Gusto ng mga kamote na gutumin ang Noypi kaya naglabasan ang mga sulsulero sa kanilang mga lungga upang takutin ang taumbayan.

Kung ang mga kuwago ng ORA MISMO ang tatanungin siguro mas mabuti pang magka-isa na lamang tayo porke masyado nang naaapektuhan ang ating bansa kasi nakukuba na si Juan dela Cruz para tumaas ang antas ng ating lipunan.

‘‘Bakit nga ba itong mga kamoteng ito ay nanunulsol na naman?’’ tanong ng kuwagong pakarat sa kabaret sa Caloocan City.

‘‘Ang dami na nilang kinurakot na pera noong sila ang mga nakapuwesto hindi pa tumigil sa panggugulo!" sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Mukhang napagtatalo sa kanilang mga kabit kaya wala na namang perang pambigay sa kanilang mga bagong chiching,’’ anang kuwagong Kotong Cop.

‘‘Palagay ko nga korek ka diyan kamote porke para silang mga patay na bumangon sa kanilang libingan na nag-announce ng kudeta.’’

‘‘Ganyan ang ibang ulupong na sundalo oras na mayanig ang budget nila sigurado kudeta ang aalingawngaw sa paligid.’’

‘‘Ano ang konek?’’

‘‘Siyempre pera ang pinag-uusapan dito.’’

‘‘Ano ang dapat gawin sa mga coup plotters na ito?’’

‘‘Siguro dapat silang magbawas sa kubeta para hindi mag-kudeta!"

"Tumpak ka diyan lagapot.’’

vuukle comment

ANO

BAKIT

CALOOCAN CITY

CRAME

CRUZ

GREG HONASAN

KOTONG COP

PERO

PREZ GLORIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with