^

PSN Opinyon

Mga dapat gawin sa taong nalunod

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
HANGGANG sa kasalukuyan, marami pa rin ang walang alam kung ano ang tamang gagawin sa isang taong nalunod. Ang kawalang alam ay maaaring magdulot ng tuluyang pagkamatay ng nalunod.

Narito ang mga dapat gawin kapag may nalunod: 1.) Alisin kaagad ang nalunod sa tubig; 2.) Kung may mga foreign body sa kanyang bibig, tulad ng pustiso, putik o mga damo, alisin ito; 3.) I-check kung humihinga o may pulso pa ang biktima; 4.) Isagawa ang artificial respiration at external cardiac massage; 5.) Maaari ring isagawa ang cardiopulmonary resuscitation (CPR) hanggang sa maka-recover ang biktima.

Nagaganap ang pagkalunod sa sandaling pasukin ng tubig ang baga (lungs). In some cases, submersion in water causes a spasm of larynx.

Paano maiiwasan ang pagkalunod? Unang-una, kailangan ay matutong lumangoy. Ikalawa, huwag magsu-swimming kapag lasing o makatapos kumain. Ikatlo, iwasang mag-swimming sa tubig na masyadong malamig at malalim sapagkat maaaring magdulot ng pagka-pulikat. Ikaapat, huwag da-dive o lulukso sa tubig sapagkat maaaring may mga matutulis na bato o matigas na kahoy doon. Ikalima, huwag iiwan ang mga bata sa bathroom o sa pool sapagkat maaari silang malunod kahit na mababaw ang tubig. Ikaanim, kung sasali sa water sports, gaya ng boating o water skiing, kailangang magsuot ng life jacket.

ALISIN

IKAANIM

IKAAPAT

IKALAWA

IKALIMA

IKATLO

ISAGAWA

MAAARI

NAGAGANAP

NARITO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with