^

PSN Opinyon

Karayom sa corned beef

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
BUMILI ng ilang pirasong de-lata si Mr. Rex Allin sa Tropical Grocery sa Sunshine Mall sa Food Terminal Inc. complex noong Oct. 13. Nais din ni Mr. Allin na subukan ang lasa ng naturang produkto dahil mukhang masarap ito kung ang naglalabasan nitong ads sa TV, radyo at diyaryo ang paniniwalaan. Binuksan ni Mr. Allin ang isang lata kinabukasan para maging ulam sa agahan ng kanyang apat-na-taong gulang na anak na si Mark, na papasok sa school.

Habang ngumunguya si Mark, natutuwa itong si Mr. Allin, dahil mukhang nagustuhan ng bata, na isang nursery student, ang bagong corned beef. Pero nagulat siya ng may makita siyang kumikinang sa kinakain ng kanyang anak. Dinampot niya ito at napatunayan niya na ito ay isang karayom.

Hindi nag-aksaya ng panahon si Mr. Allin. Kaagad siya tumawag sa teleponong 632-0874 na nakapaskil sa de lata at kinausap ang isang Mila Decena na nagpakilalang manager ng Cabuyao branch ng kompanya. Ini-refer siya ni Decena sa isang Miss Robles at Rita Paclet na umano’y mga matataas na opisyales ng kompanya sa Mandaluyong City.

Kinabukasan dumating sa bahay ni Mr. Allin sa 11 Ilang-ilang St., Zone 6, Signal Village sa Taguig sina Decena, Jimmy Aquino at Gener Santos. ‘‘Galing talaga sa factory natin ito,’’ ang pahayag ni Decena kay Allin habang sinusuri niya ang karayom na tinawag ni Aquino na syringe. ‘‘May pabuya ka sa kompanya namin,’’ dagdag pa ni Aquino. Pero hindi interesado si Mr. Allin sa pabuya o anumang tulong financial buhat sa kompanya ng corned beef. Nakiusap siya na dapat lang sigurong ipa-medical ang kanyang anak para makasiguro siyang ligtas nga ito sa kapahamakan. Tumango si Decena at bukal sa loob naman na iniabot ni Allin sa kanya ang ebidensiyang karayom at lata. Ayon sa mga nakausap niya gagamitin nila ang karayom para matukoy nga kung sino sa kanilang empleyado ang nagkamali para maparusahan. Nag-iwan si Decena ng teleponong 831-8101 local 7985 para madaling makipag-coordinate si Allin.

Pero ng tumawag siya ke Decena ng mga sumunod na araw, laking gulat ni Allin ng ayaw na itong tugunan ang ipinangako niyang check-up sa kanyang anak. Noong una, sinabi ni Decena sa kanya na magpunta sila sa PGH at pumila. Pero sa kalaunan tinapat siya nito na hindi ma-reimburse ng kanyang opisina ang gastusin ni Allin. At doon naisip ni Allin na wala na siyang habol dahil nasa kamay na nga ni Decena ang ebidensiya niya. Kaya sa sobrang galit ni Allin kung anong salita na ang nabitiwan niya.

Tumawag si Mr. Allin sa akin para ipaabot sa sambayanan ang masaklap na sinapit niya sa kamay ni Decena. Hindi pa rin niya napa-medical si Mark dahil sa kakarampot lang ang kinikita niya sa pagpasada ng tricycle.

vuukle comment

ALLIN

AQUINO

DECENA

FOOD TERMINAL INC

GENER SANTOS

JIMMY AQUINO

MANDALUYONG CITY

MR. ALLIN

NIYA

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with