^

PSN Opinyon

Editoryal - Hindi na mapapatay ang jueteng

-
MARAMING government officials ang nagsasabing unti-unti nang nawawala ang jueteng dahil sa mabisang kampanya ng pamahalaan. Hindi na raw magtatagal at tuluyan nang mawawala ang sugal na ito na matagal nang namamayani sa bansa. Isa sa mga government official na nagsasabing mawawala na ang jueteng ay si Interior Sec. Jose D. Lina. Ilang buwan na ang nakararaan nagbanta pa si Lina at sinabing sa loob ng anim na buwan ay wala na ngang jueteng. Lumipas ang anim na buwan, subalit ang jueteng ay narito pa rin. Matibay na matibay. Walang indikasyon na mamamatay. May iniharap nang jueteng lord ang DILG subalit "dilis" lamang ito kung tutuusin.

Hindi lamang si Lina ang madalas magsabi na mawawala na ang jueteng kundi pati na rin ang Philippine National Police (PNP). Marami na raw lugar na "jueteng free". Marami na raw nasakoteng cabo, mananaya at kung sinu-sino pa.

Subalit hindi maaaring ikaila ang katotohanan na ang sinasabi ng DILG at PNP ay pawang kasinungalingan. Ang katotohanan ay nagdudumilat na laganap ang jueteng at patuloy na nagpapahirap sa mga mahihirap. Ang mga jueteng lord lamang ang kumakamal ng salapi. Ang mga mahihirap na mananaya ay patuloy sa pagkalubog sa kumunoy ng kadahupan. Patuloy na umaasa sa taya subalit maling pag-asam sapagkat nadadaya.

Maski ang Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) ay nagpahayag ng pagkadismaya sa gobyerno ukol sa kampanya sa illegal jueteng. Ang lumalabas sa bibig ng mga government official ukol sa jueteng ay walang katotohanan. Hindi totoong napipigilan ang jueteng. Sabi ni Dagupan City Archbishop Oscar Cruz sa mga opisyal: "It’s about time for them to put action where their mouth is."

Hindi lamang dito sa Metro Manila laganap ang jueteng kundi maging sa Laguna, Mindoro, Quezon, Bataan, Pampanga at marami pang lugar. Maski sa mga liblib na wala pang koryente at kalsada ay talamak ang jueteng.

Hindi masisi ang taumbayan na mawalan ng tiwala sa mga opisyal ng pamahalaan. Marami sa kanila ang mabilis magbanta at mangako. Kung walang magagawa, ‘wag nang mangako nang mangako. Kung hindi mapapatay ang jueteng, mas mabuti pa ngang gawin nang legal ito at para pakinabangan nang nakararami. Ang Pagcor ang humawak para ang kikitain ay mapunta sa gobyerno. Tapos ang laban.

ANG PAGCOR

CATHOLIC BISHOP CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

DAGUPAN CITY ARCHBISHOP OSCAR CRUZ

INTERIOR SEC

JUETENG

MARAMI

NANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with