^

PSN Opinyon

Editoryal - Linisin ang bangketa sa malalaswang babasahin

-
ABALA si President Gloria Macapagal-Arroyo sa pagdurog sa mga masasama sa lipunan. Kapag may nahuhuling suspek ay kasama siyang kukunan ang mga ito ng retrato. Nagpapakita siya ng katigasan sa mga halang ang kaluluwa at nagpapakilalang hindi siya kaya. Hindi lamang si Mrs. Arroyo ang nakikitang abala sa ngayon. Maski ang bagong chairman ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ay walang tigil sa paghabol sa mga matitigas ang ulong vendors. Nagbanta na bubuhusan ng gas ang paninda ng mga vendors kapag hindi sumunod sa kanyang kautusan.

Habang abala ang gobyerno marami pa rin naman silang hindi nakikita na lumalason sa isipan. Sa mga bangketa ngayon ay kapansin-pansin na ang pagkalat ng mga malalaswang babasahin (tabloid at magazine) na lantaran nang itinitinda. Nakabuyangyang ang mga katawan ng babae at lalaki at maski mga bata ay nasusulyapan na ang mga malalaswang retrato. Karamihan pa’y sa mga malalapit sa school nakalatag ang mga malalaswang babasahin.

Sa kahabaan ng Rizal Avenue sa Maynila ay kapansin-pansin ang mga babasahin na pawang makukulay at nag-aanyaya sa mga nagdaraan. Iba’t ibang posisyon ng mga babae at kaparehang lalaki na nagsi-sex. Walang ipino-promote kundi ang kalaswaan at matatawag nang masahol pa sa pornograpiya.

Kamakailan ay isang mayor sa Metro Manila ang nag-utos na kumpiskahin ang mga malalaswang babasahin at magazine. Nagbanta na aarestuhin ang mga magtitinda ng malalaswa sa kanyang bayan. Ngayo’y tila nawala na ang kampanya ng mayor at balik ang mga malalaswang babasahin sa bangketa. Mas kumapal pa at parang kabuteng nagsulputan.

Maraming moralista sa bansang ito subalit bakit hindi i-rally ang pagdami ng mga malalaswang babasahin. Bakit hindi sila magsimula sa kampanya at makipag-ugnayan kay Fernando ng MMDA para maging madali ang pagwalis sa mga nagtitinda ng malalaswa.

Hindi lamang mga malalaswang babasahin ang patuloy na kumakalat sa kasalukuyan kundi pati na rin mga malalaswang panoorin sa mga pekeng CD. Kahit patuloy si Video Regulatory Board (VRB) Chairman Bong Revilla sa pagdurog sa mga pekeng CD ay wala pa ring tigil sa pagbebenta sa Quiapo at Sta. Cruz, Manila.

Marami pang hindi nakikita ang mga opisyal ng pamahalaan kaya dapat nilang tingnan ang iba pang lason sa kaisipan ng mamamayan.

BABASAHIN

CHAIRMAN BONG REVILLA

MALALASWANG

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

MRS. ARROYO

NAGBANTA

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with