^

PSN Opinyon

Editoryal - Mahirap bang mag-sorry?

-
NAIS ni President Gloria Macapagal-Arroyo na magkaroon ng matatag na republika. Kaya walang tigil ang pagpapakita niya ng katigasan. Sa bawat mahuhuling suspect na dinadala sa Malacañang ay kasama siyang nakukunan ng retrato. Ang mga kalaban sa pulitika ay ipinalalagay na ang madalas na pagpapakuha ng retrato ay bahagi ng paghahanda sa election 2004. Hindi naman iniinda ni Mrs. Arroyo ang mga batikos.

Subalit ang pagiging matigas ni Mrs. Arroyo ay nagkaroon ng butas at ito ngayon ang mainit na binabatikos. Isang "whistle blower" sa P203 milyong tax scam ang naiprisinta niya bilang suspect. Sa halip na purihin ang naglantad sa katiwalian, lumalabas na ipinahiya pa ito. Nakita sa buong Pilipinas ang mukha ni Acsa Ramirez, cashier ng Landbank Binangonan Branch na itinuro ng NBI bilang suspect. Halos pagtakpan ng langit si Ramirez. Ang kapalit ng kanyang paglalantad sa kabulukan ay labis na pagkapahiya.

Nagdemand ang abogado ni Ramirez na mag-sorry sa publiko ang NBI na pinamumunuan ni Dir. Reynaldo Wycoco. Matigas na "hindi" ang sagot ng NBI at ngayo’y nagbabalak pa silang sampahan ng kaso si Ramirez. Kasangkot din umano ito sa scam. Sa maling pagkakaprisinta naman ni Mrs. Arroyo, sinabi ng abogado ni Ramirez, na nasa Presidente na kung magso-sorry siya o hindi.

May palagay kaming napahiya na lamang ang NBI kung kaya matibay sa kanilang pahayag na hindi sila magso-sorry kay Ramirez. Nalagay sila sa masamang sitwasyon at hindi maamin na nagkaroon ng pagkakamali. Pilit na ibinabangon ang may dungis na imahe. Masaklap pa nga kung ngayon kung pati ang naglalantad ng kabulukan ay siya pang lumalabas na may kasalanan. Paano pa magkakalakas ng loob ang iba pa na lumabas para ituro ang mga tiwali kung sila ay aakusahan?

Gaano ba naman kadaling humingi ng kapatawaran sa isang pinagkasalahan. Lahat naman ay nagkakamali. Maski nga si dating US President Bill Clinton ay humingi ng paumanhin sa pamilya ng White House intern na si Monica Lewinsky dahil sa naidulot niya sa mga ito. Si Monica ay nagkaroon ng relasyon kay Clinton.

Paano makapagtatatag ng matibay na republika kung sa kapiranggot na sorry ay madamot ang namumuno?

ACSA RAMIREZ

LANDBANK BINANGONAN BRANCH

MONICA LEWINSKY

MRS. ARROYO

PAANO

PRESIDENT BILL CLINTON

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

RAMIREZ

REYNALDO WYCOCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with