GSIS Chief, sobrang lambot mo!
March 18, 2002 | 12:00am
Last week, some employees of the Government Service Insurance System staged a walk out. Galit daw sila sa pangangasiwa ni GSIS General Manager Winston Garcia.
Hindi kasi maipagkaloob ni Garcia ang cash doleout na hinihingi nila. Pambihira! Kahit si Presidente Gloria Arroyo ay pinuna na ang sobra-sobrang sahod na tinatamasa ng mga empleyado sa GSIS. Tapos magde-demand pa sila ng cash doleouts??!!
Kawawang Garcia. hinihingi ngayon ng mga empleyado ang kanyang pagbibitiw. Pero paano ba nalagay sa hot water si Garcia?
Isang impormante ko ang nagbulong sa akin. Isa umanong kawani ng GSIS na nagngangalang Ceri Sabilano ng Civil Security Office ng GSIS at isang opisyal ng unyon ang sinuspinde ni Garcia dahil sa magaspang na asal at kawalang-galang sa nakatataas na opisyal.
Noon daw Christmas party ng GSIS last year, walang pitagang sinigawan daw nitong si Sabilano si Garcia ng "Winston barat!".
Lahat nang mga dumalo sa party ay saksi daw sa kagaspangan nitong si Sabilano. Napahiya pati sa sarili niyang pamilya si Garcia dahil sa magaspang na salitang ibinalibag sa kanya ni Sabilano.
Mabait pa nga si Garcia dahil suspensyon lang ang isinampal. Kung ako siya, summary dismissal ang isasampal ko sa kanya.
Napag-alaman ko na matagal nang hinihingi ng mga empleyado ng GSIS ang cash doleouts at ayaw silang pagbigyan ni Garcia. Bakit nga naman? Sino ang magdurusa kundi ang mga miyembro ng GSIS? Kaya Congrats kay Garcia.
Mahirap ang katayuan niya porke mga kawani ang kalaban. Pero tumpak ang kanyang pagtutol para protektahan ang mga kasapi ng GSIS.
Marami na tayong kabarong kolumnista ang bumatikos sa sobra-sobrang biyayang tinatamasa ng mga naglilingkod sa GSIS which is unfair to small members who contribute religiously without realizing that their contributions are pocketed by leeches in this agency.
Panawagan sa Kongreso, sa Malacañang, partikular sa Department of Budget and Management: Pakitingnan ang anomalyang ito sa GSIS dahil kawawa ang mga ordinaryong empleyado ng pamahalaan na halos hirap mangutang sa GSIS samantalang ang mga opisyal at kawani nitoy nagpapasasa.
GM Garcia, huwag kang masasaktan kung tawagin kang barat. Nasa lugar naman ang pagiging barat mo.
Nalaman ko pa na itong si Sabilano ay may ugaling tumotoma kahit on duty. Kapag lasing na, walang pakundangan kung murahin niya ang mga nasasakupan niyang security guards. Ano banng kuwalipikasyon meron ang taong ito?
GM Garcia, its time you reconsider the suspension. Sibakin mo na iyang abusadong iyan para magkaroon ng katahimikan ang ahensya. Pati mga matitinong kawani ng GSIS ay nilalason niya ang isip.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am