^

PSN Opinyon

Jueteng talamak sa Pampanga

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
ISANG malaking hamon sa administrasyon ni President Gloria Arroyo itong expose na talamak na ang jueteng operations ng isang Melchor Caliwag alias Ngongo sa kanyang hometown sa Pampanga. Kapag hindi naging maganda ang reaksiyon ni GMA sa jueteng expose na ito magkakaroon ng haka-haka na may basbas niya ang operation ng ilegal na sugal, hindi lang sa Pampanga, kundi sa buong bansa.

At ang sisi ukol sa malaganap na jueteng operations na palaging nakatuon noon kay Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Leandro Mendoza ay mababaling na kay GMA o dili kaya’y sa mga alipores niya na naghahanda na para sa darating na 2004 elections.

Hindi biro ang ginawa nitong si Ruben Marin, 35, isang kabo ni Ngongo, para ibulgar ang malawakang pandaraya niya sa jueteng. At hindi naman kaila sa atin na ang mga supporter ng nakakulong na dating Presidente na si Joseph Estrada, na tinatawag na masa, ang siyang tumatangkilik sa jueteng. Hindi kaya may halong pulitika itong expose ni Marin? Alam naman natin na sa ngayon ay pilit ginagatungan ng kampo ni Erap ang kanyang mga supporters para umalsa laban kay GMA, di ba mga suki?

Sinabi naman ng mga pulis na nakausap ko na itong si Caliwag ay hawak ang malaking sindikato sa illegal gambling na pinamumunuan ng isang retiradong pulis na nag-oopisina sa Classmate nightclub sa Quezon City. Kaya malaki ang papel na gagampanan ng grupo ng retiradong pulis sa gagawing ‘‘damage control’’ ng kampo ni Ngongo para mapatahimik ang isyu ukol sa expose ni Marin. He-he-he! May pagkakitaan na naman sila, di ba mga suki?

Kung sabagay, ang grupo ring ito ang may hawak ng intelihensiya ni Ngongo sa Department of Interior and Local Government (DILG), Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at iba pang sangay ng pulisya kaya’t hindi ako magtataka kung walang kikilos sa kanila. Kung meron mang raid na mangyayari mga suki, sigurado akong ‘‘hingi-huli’’ o drama lang ang mga ’yan. Sa pagbubulgar din ni Martin napapatunayan na dinadaya na ng mga jueteng lords ang kanilang parokyano. At tama rin ang suspetsa natin na karamihan sa gambling lords sa ngayon ay takbuhin o ayaw magbayad kapag tinamaan sila.

Kung paniniwalaan si Marin P2 milyon kada araw ang kinikita ni Caliwag sa 10 estasyon pa lamang sa Pampanga kaya’t malaki ang posibilidad na tataas pa ito. At hindi rin nalalayo na milyun-milyon din ang pinapaabot ni Ngongo na protection money sa tiwaling sangay ng ating gobyerno, kabilang na ang PNP. Kaya pala kahit abot-langit na ang pagbubulgar na ginagawa ng diyaryo, TV at radyo sa jueteng eh tahimik ang pamahalaan ni GMA.

At dahil sa expose na ito ni Marin, sigurado akong hindi lang sa Pampanga magkaroon ng ‘‘hingi-huli’’ o drama kundi sa buong bansa para pangunahan ang reaksiyon ni GMA. Abangan.

vuukle comment

CALIWAG

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

JOSEPH ESTRADA

JUETENG

MARIN

NGONGO

PAMPANGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with