^

PSN Opinyon

Mga asawa ng pulis

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen. Juan M. Flavier -
Sumama ako sa barrio para lang magmasid sa isinasagawang programa ng family planning. Nakaupo ako at pinag-aaralan ang listahan ng mga babaing nagpapa-family planning.

Matapos kausapin ng doktor ang isang babae na nagngangalang Ana, lumapit ito sa akin, ‘‘Doktor ako po ay pinakamasugid na nangumbinse sa mga ina para mag-family planning dito,’’ sabi sa aking nakatawa.

Ngumiti ako kay Ana. Karga nito ang anak. Nagpatuloy si Ana ‘‘Saka pinapaliwanag ko sa kanila na kung hindi dahil sa family planning ay hindi ako makapagnenegosyo at siguro taun-taon ay nanganganak ako.’’

Sa aking narinig kay Ana ay kung bakit nasambit ko ang pulis na maraming asawa at anak.

Nagulat ako nang magsalita si Ana. ‘‘Huwag kayong mabibigla Doktor, pero ang asawa ko ay isang pulis at ako ang kanyang number two.

Nakita ko ang paglapit ng isang lalaki at kinuha kay Ana ang kalong na bata.

Halos matunaw ako sa hiya. Nagpaumanhin ako sa lalaki.

‘‘Naku, huwag kayong magagalit. Hindi ho kayo ang tinutukoy ko,’’ paliwanag ko.

Nagtawanan ang lahat habang ako ay namumula sa kahihiyan. Ikinuwento ang pangyayari. Ang unang asawa raw ng pulis ay baog. Kaya kumuha ng number two at doon ay nagkaanak kaagad. Maganda ang pagsasamahan at nakatira sa isang bubong. Magkasosyo pa nga sa negosyo.

Hanggang ngayon ay hindi ko maisip kung paano ako napasok sa usapang maraming asawa ang mga pulis.

vuukle comment

AKO

ANA

DOKTOR

HANGGANG

HUWAG

IKINUWENTO

KARGA

KAYA

MAGANDA

MAGKASOSYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with