^

PSN Opinyon

Victory Joe ! Malakas na sigaw sa Kongreso

-
Tumitindi na ang labanan kung sino ang magiging Senate President at Speaker ng House of Representatives. Sa Senado, nababalita na kanya-kanya ang gapangan at kampanyahan na ang ginagawa ng mga pangunahing kandidato sa pagka-senate president. Abalang-abala sina Senators Franklin Drilon, Rene Cayetano, Joker Arroyo at kasalukuyang Senate President Aquilino Pimentel sa pakikipag-usap sa kanilang mga kapwa senador upang makuha ang suporta ng mga ito.

Lalong matindi naman ang in-fighting sa Speakership sa House of Representatives dahil sa hindi lamang mas marami ang kumakandidato, higit din ang napakaraming kakampanyahing miyembro kung ikukumpara sa Senado. Isa pa, sobra rin ang dami ng mga partido na kinaaaniban ng mga kongresista na may mga kanya-kanyang interes.

Ang dalawang nangunguna sa labanan sa pagka-Speaker ay si dating Speaker Joe de Venecia at Rep. Butch Abad ng Batanes. Kahit na galing sa isang maliit na probinsiya si Abad, maganda rin naman ang performance niya sa Kongreso. Dahil magaling at respetadong lider, matunog ang balita na marami na ang sumusuporta kay Abad.

Subalit si JDV ang masasabing pinakahanda at malaki ang kaalaman upang mamuno sa House of Representatives kung saan mangungunang panggagalingan ng mga reporma at mga panukalang mag-aalsa sa kaunlaran at katatagan ng Pilipinas. Alam naman ng lahat na bagsak na bagsak na ang ating ekonomiya bukod pa sa problema ng peace and order.

May mga tumutuligsa kay JDV dahil siya diumano ay isang trapo o sagad-to-the-bone politician. Ngunit binabalewala naman ng marami ang alegasyon na ito sapagkat naniniwala sila na si JDV ang nararapat at kinakailangang maging Speaker upang makatulong sa pamahalaan ni President Gloria Macapagal-Arroyo. Victory Joe, ang lumalakas na sigaw na aking naririnig.

vuukle comment

ABAD

BUTCH ABAD

HOUSE OF REPRESENTATIVES

JOKER ARROYO

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

RENE CAYETANO

SA SENADO

SENATE PRESIDENT

SENATE PRESIDENT AQUILINO PIMENTEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with