^

PSN Opinyon

ORA MISMO - Publicity conscious ang Abu Sayad!

- Butch M. Quejada -
Mahilig sa publicity ang Abu Sayad lalo na ang kanilang spokesman na si Abu Sabayad. Gusto nilang sumikat sa buong mundo sa pamamagitan ng paggawa ng mga karumal-dumal na krimen.

Pitsa lang ang katapat ng mga bandidong ito kasi alam nilang sumisikip na ang mundo sa militar.

"Takbo, Sayad, takbo," ito pa rin ang kanilang motto na hindi na nila puwede pang baguhin porke naaaninag nila ang anino ng mga sundalong humahabol sa kanila. Puwera pa ang kaluluwa ng mga inosenteng pinugutan nila ng ulo.

May sa demonyo ang mga bandido kaya walang pakundangan kung pumatay. Mapa-bata o matanda ay hindi nila binibigyan ng halaga. Ang mahalaga sa kanila ay ibigay ang hinihinging ransom money para agad nilang mapaghatian.

Sa pamilya raw at mga angkan ng bawat bandido pumupunta ang mga salaping nakulimbat.

Para raw mabuhay nang masagana ang kanilang mga mahal sa buhay.

Gusto ng mga Abu Sayad na dumami ang kanilang pitsa dahil alam nilang lumiliit na ang kanilang pag-asa na mabuhay pa ng matagal. Sa bawat kilos ay parang nakikita nila ang sariling anino na tumatakbo ng walang ulo. Dahil sa takot ay puro sila nakatalukbong habang bumobotak.

"Pitsa ang kailangan ng mga Abu Sayad para sa kanilang ipinaglalaban," sabi ng kuwagong manggagantso.

"Ano ba ang kanilang ipinaglalaban?" tanong ng kuwagong maninisid ng tahong.

"To be rich and famous," sagot ng kuwagong Kotong cop.

"Kamote pala."

"Kaya nga may mga sayad, eh."

"Ano ang maganda para matigil na ang kanilang kapritso?"

"Ratratin nang todo-todo."

"Tulad ng ginawa nilang pagpugot sa ulo ni Guillermo Sobero."

"Nakakatakot?"

"Pugutan ang mga bihag?"

"Hindi."

"E, ano?"

"Ang mga Abu Sayad ang maputulan."

"Ng ano?"

"Et-et, he-he-he!"

ABU SABAYAD

ABU SAYAD

ANO

DAHIL

GUILLERMO SOBERO

KAMOTE

KANILANG

PITSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with