Publicity conscious ang Abu Sayad!
June 14, 2001 | 12:00am
Mahilig sa publicity ang Abu Sayad lalo na ang kanilang spokesman na si Abu Sabayad. Gusto nilang sumikat sa buong mundo sa pamamagitan ng paggawa ng mga karumal-dumal na krimen.
Pitsa lang ang katapat ng mga bandidong ito kasi alam nilang sumisikip na ang mundo sa militar.
"Takbo, Sayad, takbo," ito pa rin ang kanilang motto na hindi na nila puwede pang baguhin porke naaaninag nila ang anino ng mga sundalong humahabol sa kanila. Puwera pa ang kaluluwa ng mga inosenteng pinugutan nila ng ulo.
May sa demonyo ang mga bandido kaya walang pakundangan kung pumatay. Mapa-bata o matanda ay hindi nila binibigyan ng halaga. Ang mahalaga sa kanila ay ibigay ang hinihinging ransom money para agad nilang mapaghatian.
Sa pamilya raw at mga angkan ng bawat bandido pumupunta ang mga salaping nakulimbat.
Para raw mabuhay nang masagana ang kanilang mga mahal sa buhay.
Gusto ng mga Abu Sayad na dumami ang kanilang pitsa dahil alam nilang lumiliit na ang kanilang pag-asa na mabuhay pa ng matagal. Sa bawat kilos ay parang nakikita nila ang sariling anino na tumatakbo ng walang ulo. Dahil sa takot ay puro sila nakatalukbong habang bumobotak.
"Pitsa ang kailangan ng mga Abu Sayad para sa kanilang ipinaglalaban," sabi ng kuwagong manggagantso.
"Ano ba ang kanilang ipinaglalaban?" tanong ng kuwagong maninisid ng tahong.
"To be rich and famous," sagot ng kuwagong Kotong cop.
"Kamote pala."
"Kaya nga may mga sayad, eh."
"Ano ang maganda para matigil na ang kanilang kapritso?"
"Ratratin nang todo-todo."
"Tulad ng ginawa nilang pagpugot sa ulo ni Guillermo Sobero."
"Nakakatakot?"
"Pugutan ang mga bihag?"
"Hindi."
"E, ano?"
"Ang mga Abu Sayad ang maputulan."
"Ng ano?"
"Et-et, he-he-he!"

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended