^

PSN Opinyon

Tusong kasapi

-
Ang mga tao ay nagsasama-sama upang mas marinig ang boses. Pero ang lakas ng boses at pagsasama-sama ay hindi nadadaan sa dami kundi sa uri ng miyembro. Ito ang patutunayan ng isang asosasyon ng mga nangungupahan.

May 300 naninirahan sa isang compound mula pa nang sila ay ipanganak, ang nagtayo ng isang asosasyon upang maisalin sa kanila ang titulo ng lupang kanilang tinitirhan. Kasama sa asosasyon sina Polly, Jun at Annie na nakaokupa ng tatlong lote. Pero hindi sila aktibo sa samahan dahil karaniwan sila’y namamalagi sa ibang bayan.

Sa tulong ng gobyerno, naisalin sa samahan ang lupa at nabigyan ito ng titulo. Pinaalam ito sa lahat ng miyembro at naatasan silang magbayad ng membership dues at ng kaukulang bayad sa kanilang mga loteng inookupahan. Pero sina Polly, Jun at Annie ay hindi nakapagbayad kaya pinaalis sila ng samahan sa kanilang mga lupa. Sabi naman ng tatlo, sila’y mga miyembro ng samahan at bilang miyembrong nangungupahan dito, hindi sila basta-basta mapaaalis. Tama ba sila?

Mali
. Hindi man lang sila tumulong sa samahan noong nilalakad nito ang pagsasalin ng titulo. Wala sila nang kailangan ang kanilang tulong. Malinaw na hndi na sila interesado dahil may iba na silang lugar na pinamamalagian. Para sa kanila, ang mahalaga ay hindi na upang magkaroon pa ng lupang titirhan kundi upang paupahan ito na taliwas sa patakaran ng gobyernong bigyan ng lupa ang mga mahihirap. (Bautista vs. CA, G.R. 107293, March 2, 1993)
* * *
Huwag po ninyong kalimutang iboto ang AIM (Ang Ipaglaban Mo) Party para sa Party List Representative sa darating na eleksiyon. Para sa iba pang impormasyon, tumawag lamang sa tel. nos. 724-9445; 725-2930 o 721-2305.

ANG IPAGLABAN MO

BAUTISTA

HUWAG

KASAMA

MALINAW

PARTY LIST REPRESENTATIVE

PERO

SILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with