^

PSN Opinyon

Ang maruming palengke ni Lorna T.

-
Binigyan ng pamahalaan ng Antipolo ang public market na pag-aari ng aktres na si Lorna Tolentino at apat na iba pa ng tatlong araw para magpaliwanag kung bakit hindi sila dapat ipasara dahil sa marumi at mabaho ang kanilang kapaligiran.

Sinabi ni Konsehal Eva Querubin, chairwoman ng Market and Slaughterhouse Committee ng Antipolo na kung hindi maayos nina Lorna at mga may-ari pa ng apat na pamilihan ang kani-kanilang establisimiyento, hindi nalalayo na magiging sanhi ito ng sakit at iba pang problema.

Sang-ayon ako kay Querubin. Eh, kung hindi mabigyan pansin ni Lorna ang munting problemang ito sa kanyang negosyo, eh papaano na lang kung manalo ang kanyang asawang aktor na si Rudy Fernandez sa pagka-mayor sa Quezon City? Oo nga naman ano?

Kung si Rudy kasi ay mananalo, awtomatikong magiging chairwoman ng Clean and Green projects ng Quezon City itong si Lorna. Eh, kung ang Cogeo Dry and Wet Market na pag-aari niya ay hindi mapagtuunan ng pansin eh itong Quezon City pa kaya na halos 10 porsiyento ang doble sa laki sa naturang palengke?

May kasabihan tayo na kapag hindi ka malinis sa sarili mong bakuran, ’yang pag-uugali na ’yan ay dala-dala mo kahit saan ka man mapunta. Kaya kawawa ang taga-Quezon City kapag nabigyan ng pagkakataon itong si Lorna na maging chairwoman ng Clean and Green projects nila, di ba?

Pero nagtataka rin ako kay Lorna. Bakit hindi man lang niya madalaw itong palengke na pag-aari ng kanyang pamilya para mabigyang-pansin naman niya ang mga problema roon. Nangangahulugan bang interesado lamang siya sa kinikita at hindi sa kapakanan ng tumatangkilik sa pamilihan niya?

Maaaring sabihin ng kampo ni Rudy na kaya inilutang ang naturang isyu ay upang sirain ang kandidatura niya. Pero sa tingin ko naman napapanahon lamang na nagsagawa ng inspection si Querubin laban sa mad cow at food and mouth disease (FMD) sa karne ng baka at baboy kaya’t ’yon nga ang kanyang findings. Nagpapasalamat nga ang taga-Antipolo at napansin ng maaga ang problema para mabigyan kaagad ng kalunasan.

Siguro matagal nang mabaho at marumi ang slaughterhouse at iba pang area ng palengke ni Lorna subalit ngayon lang napansin dahil sa alarmang dulot ng mad cow at FMD. Ayon kay Querubin, mukhang hindi rin nainspeksiyon ng ahente ng National Meat Inspection Commission (NMIC) ang mga karneng ibinebenta sa pelengke ni Lorna. Sa ngayon pa lang, marami nang labag sa batas na pinaiiral itong si Lorna sa kanyang palengke. Eh siguro lalo na kung manalo ang asawa niya at makapangyarihan na sila, hindi lang ’yan ang gagawin niya, di ba?

CLEAN AND GREEN

DRY AND WET MARKET

KONSEHAL EVA QUERUBIN

KUNG

LORNA

LORNA TOLENTINO

MARKET AND SLAUGHTERHOUSE COMMITTEE

QUERUBIN

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with