EDITORYAL - Basagin ang mga bugok sa NAIA
February 23, 2001 | 12:00am
Malayang nakaalis at malaya ring nakabalik dito sa Pilipinas si Laarni Enriquez noong Linggo ng gabi. Si Laarni ang kabit ng napatalsik na si President Estrada. Nakaabang ang mga "tuta" sa Ninoy Aquino International Airport at sinalubong si Laarni. Nakunan si Laarni ng closed-circuit television camera habang naglalakad kasama ang dating airport executive na si Jake Acuña at isang nakilalang Yabut. Nagmistulang "reyna" si Laarni na hindi dumaan sa normal airport procedures. Isang pagpapatunay lamang ito na laganap ang kabulukan sa NAIA, at tutulug-tulog ang mga opisyal doon na madaling malusutan at matakasan. Ang mga tiwaling opisyal na ito sa NAIA ang nararapat basagin ni President Gloria Macapagal-Arroyo.
Umalis si Laarni noong January 11 sa kabila na may subpoena nang ipinadala sa kanya. Pinadalhan ng subpoena si Laarni upang humarap sa impeachment court na naglilitis sa mga kasong isinampa kay Estrada. Sari-saring balita ang lumabas kung bakit umalis si Laarni. Sinabi ni dating spokesman at Senador Ernesto Maceda na may breast cancer umano si Laarni at magpapagamot sa United States kaya ito umalis. Marami ang hindi naniniwala sa pahayag ni Maceda. Lalo pang lumalim ang pagdududa nang isang lalaking nagngangalang Juancho Mendiola ang nahulihan ng P6 milyon at sinasabing kay Laarni ang perang ito. Pasakay din si Mendiola sa eroplanong sasakyan ni Laarni. Natuklasan naman kamakailan na may itinatagong P650 milyon account sa Philippine Savings Bank si Laarni.
Paulit-ulit na mangyayari ang kabulukan sa NAIA. Naniniwala kaming hindi lamang si Laarni ang nag-aastang "reyna" sa paglabas at pagpasok sa bansa. Ang ginawa ni Laarni ay maaari ring gawin ng iba pang mga maimpluwensiya at may pera. Hanggat may mga "matatakaw" na opisyal ng Immigration o Customs sa NAIA hindi matitigil ang ganitong masamang gawain.
Masyadong marumi ang NAIA at panahon na para linisin ito ni Gen. Manager Edgar Manda. Lipulin niya ang mga masasama sa kanyang bakuran na natatapalan ng pera. Ganito rin ang dapat gawin ni Immigration Commissioner Andrea Domingo. Nagsasawa na ang taumbayan sa katiwalian at kasamaan na pinalubha ng nakaraang administrasyon. Anumang kapabayaan ng Cabinet members ay putik na kakapit kay GMA. Masisira ang kanyang pangako sa taumbayan kung patuloy na mamamayani ang katiwalian at kabulukan. Linisin ang NAIA ngayon!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended