Katarungay nakamit sa People Power II
January 24, 2001 | 12:00am
Pagpupunyagi ng hustisya at katarungan ang ipinamalas ng People Power II. Sa pagkakaisa ng puso at damdamin ng ating mga kababayan, ang kanilang matapang na boses at sigaw ang nagbigay ng kalakasan at kapangyarihan sa ating ipinaglaban. Kagaya ng mga Israelita, sa pamamagitan ng kanilang sama-samang pagsigaw ay gumuho ang pader ng Jericho. Sa pamamagitan ng pananampalataya sa Diyos, naranasan nila ang kaluwalhatian ng pagtitiwala sa Kanyang kapangyarihan at pangakong ibibigay sa kanila ang pangakong lupa.
Sa EDSA Part II, nakita natin ang pagkakaisa ng politikal na adhikain ng ating mga kababayan, mayaman man o mahirap, matanda man o bata, Katoliko man o Protestante, sakop man ng ibat ibang ideolohiya. Dito natin nakita na kaya ng bawat Filipino ang magkaisa para sa ikauunlad ng ating bansa. At malaki ang naging bahagi nito ay ang mga kabataan na nagnanais ng bagong administrasyon sa ating pamahalaan.
Hindi pinalampas ng ating mga kabataan ang pagkakataong ito. Umaga hanggang gabi, nanatili silang sumisigaw sa EDSA upang patunayan na ang ating kabataan ay bahagi rin sa kasaysayang ito. Hindi lamang sila nanatiling nabansagang Text generation kundi ginamit nila ang kanilang mga kakayahan at mga cellphones upang iparating sa lahat na kaisa nila ang buong mamamayang Filipino sa raling ito.
Marami tayong natutunan sa People Power II. Muling nagising ang kaisipan ng mga mamamayan sa ating partisipasyon sa pulitika. Pinatunayan na hindi na biro ang paghalal ng ating mga kandidato sa puwesto. Kinakailangan ng suriing mabuti ang mga kaukulang kuwalipikasyon ng ating mga kandidato. Ang integridad, moralidad at kakayahan ng isang kandidato ay pinahahalagahan na darating na naman ang eleksiyon huwag sana nating ulitin ang maaring kamalian natin noon. (Susundan)
Sa EDSA Part II, nakita natin ang pagkakaisa ng politikal na adhikain ng ating mga kababayan, mayaman man o mahirap, matanda man o bata, Katoliko man o Protestante, sakop man ng ibat ibang ideolohiya. Dito natin nakita na kaya ng bawat Filipino ang magkaisa para sa ikauunlad ng ating bansa. At malaki ang naging bahagi nito ay ang mga kabataan na nagnanais ng bagong administrasyon sa ating pamahalaan.
Hindi pinalampas ng ating mga kabataan ang pagkakataong ito. Umaga hanggang gabi, nanatili silang sumisigaw sa EDSA upang patunayan na ang ating kabataan ay bahagi rin sa kasaysayang ito. Hindi lamang sila nanatiling nabansagang Text generation kundi ginamit nila ang kanilang mga kakayahan at mga cellphones upang iparating sa lahat na kaisa nila ang buong mamamayang Filipino sa raling ito.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest