IKAW AT ANG BATAS - Ang paglaya ni Susan (Ika-20 sa serye)
October 17, 2000 | 12:00am
ANONG gramo-gramo ang sinasabi nito? Si Susan ay hindi makapaniwala. Imposible na may sisipot na testigo. Bawat bigkas ng pulis ay tunog na nagpapabingi sa kanya.
Now, Mr. Witness, kindly pinpoint in court, if you still recognize them, who are the persons whom you arrested? Pakituro mo sila. Yumuko si Susan. Ang mga nagtuturo ay parurusahan ng Diyos."
Witness is pointing to a sabay lapit ng intepreter sa kanila, person when asked his name is? Lito Espiñosa, sagot ng katabi. and another person named? Susan Ramirez, ang kanyang nahihiyang sagot. "Paano kami nakilala? Ngayon lang kami nakita nito? Ah, ang kanyang uniporme. Siya lang ang babae sa loob ng Korte na may dilaw na damit at may nakasulat pang Guillotine Club Inmate City Jail. Natural, siya ang akusado. At dahil katabi siya ni Lito, sila ang magkaasunto. Tiningnan niya si Atty. Santiago subalit malungkot din ang mukha nito.
What were accused Ramirez and Espiñosa doing when you entered the room? Nasa akto po silang bumibili ng shabu kay Mr. Co. Sinungaling! Minamanikyuran ko noon si Mrs. Co. Hawak-hawak ko ang kamay niya nang may pumasok na mga pulis. Ibig nang sumali ni Susan sa usapan. Atty., mag-object ka naman. Walang shabung nakuha. Planted evidence yan, ang napipi niyang sigaw.
Mr. Witness do you have proof of the shabu recovered? May pruweba ba kayo? Opo, narito po, sabay labas ng maliit na supot na may lamang tawas. Katorse. Yaon ang ebidensiya laban sa kanila. Dalawang daang pisong halaga ng bato.
"Thats all your honor! pangwakas ng piskal.
Cross examination, anunsiyo ng hukom.
May we ask for a break, request ni Atty. Santiago. Bakit pa patatagalin. Tanungin nat mahuling nagsisinungaling! Okey 15 minutes recess. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest