^

Metro

SUV nagliyab sa EDSA flyover, driver lapnos

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sunog ang magkabilang binti ng driver ng isang SUV matapos magliyab ang kaniyang sasakyan sa northbound lane ng EDSA-Ortigas Flyover, sa Quezon City nitong Linggo ng gabi.

Sa report ng Bureau of Fire Protection  (BFP) ng Quezon City, agad namang rumesponde ang apat nilang truck at naapula ang apoy dakong 9:12 ng gabi.

Bagamat walang napaulat na nasawi sa insidente, nagtamo naman ng minor burn sa dalawang binti ang 51-anyos na driver ng SUV  nang hindi makalabas ng sasakyan.

Agad dinala sa ospital ang driver at nilapatan ng paunang lunas. Wala ring iniulat na na­damay na iba pang mga sasakyan sa insidente.

Patuloy pa ang imbestigasyon  ng awtoridad sa sanhi ng pagliyab ng kotse na ngayon ay nasa impounding area ng Metro Manila Development Authority ( MMDA).

ACCIDENT

FIRE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with