^

Metro

Food rider, timbog sa sumpak

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Food rider, timbog sa sumpak
Ang suspek ay kinilalang si John Paul Gozon, 25, ng R. Papa St., Sampaloc.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, File

MANILA, Philippines — Isang food rider ang inaresto ng mga awtoridad matapos na mahulihan ng sumpak ng mga nagpapatrulyang pulis sa Sampaloc, Manila kahapon ng madaling araw.

Ang suspek ay kinilalang si John Paul Gozon, 25, ng R. Papa St., Sampaloc.

Batay sa ulat ng Barbosa Police Station (PS-14) ng Manila Police District (MPD), dakong alas-4:30 ng madaling araw nang maaresto ang suspek sa A. Mendoza St., kanto ng Barlin St., sa Sampaloc.

Kasalukuyan umanong nagpapatrulya ang mga pulis ng PS-14 nang mapunang may hawak na sumpak ang suspek.

Sinita ng mga pulis ang suspek, na nagtangka pa umanong umiwas sa pag-aresto, ngunit nadakip din ng mga awtoridad.

Kaagad na ring ipiniit ang suspek matapos na mahulihan ng isang sumpak na kargado ng isang bala ng .38mm.

Ang suspek ay sasampahan ng kasong illegal possession of firearms o paglabag sa Republic Act 10591 sa piskalya.

vuukle comment

ARRESTED

MPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with