^

Metro

Sandro Muhlach at NBI, naghain ng reklamo vs 2 independent contractors ng GMA

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Sandro Muhlach at NBI, naghain ng reklamo vs 2 independent contractors ng GMA
Ang mag-amang Niño at Sandro Muhlach na pormal nang nagharap ng reklamo sa DOJ laban kina Jojo Nones at Richard Cruz sa kasong rape at sexual assault, kahapon.
Kuha ni Edd Gumban

MANILA, Philippines — Pormal nang nagsampa ng reklamo ang aktor na si Sandro Muhlach at ang National Bureau of Investigation (NBI) laban sa dalawang indepen­dent contractors ng GMA Network sa Department of Justice (DOJ) kahapon.

Nabatid na si Muhlach, bilang private complainant, at ang NBI Public Corruption Division, ay naghain ng reklamong rape through sexual assault laban kina Jojo Nones at Richard Cruz.

Si Muhlach ay sinamahan ng kanyang amang si dating child actor Niño Muhlach, at ng NBI sa pagtungo sa DOJ sa Maynila, kung saan pinanumpaan niya ang kanyang reklamo laban sa mga respondents.

Kumpiyansa naman ang abogado ni Muhlach na si Atty. Czarina Raz, na malakas ang kanilang mga ebidensiya laban sa mga akusado.

Samantala, nagpasalamat si Niño sa mga taong sumusuporta sa laban ng kanyang anak.

Matatandaang una nang humarap sa pagdinig sa Senado sina Nones at Cruz at mariing pinabulaanan ang akusasyon ni Muhlach laban sa kanila.

Nagpahayag naman ng paniniwala si Muhlach na lalabas ang katotohanan at makakamit niya ang hustisya.

vuukle comment

DEPARTMENT OF JUSTICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with