^

Metro

Kaso ni Guo sa Comelec, tuloy

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Kaso ni Guo sa Comelec, tuloy
In this May 22, 2024 file photo, then Bamban Tarlac Mayor Alice Guo appears at a Senate inquiry into offshore gaming operators.
Senate PH

MANILA, Philippines — Tuloy ang motu proprio complaint na inihain ng Commission on Elections (Comelec) laban kay Alice Guo dahil sa kasong material misrepresentation, kahit pa nagdesisyon na ang Office of the Ombudsman na tuluyan na siyang i-dismissed sa serbisyo bilang alkalde ng Bamban, Tarlac dahil sa “grave misconduct”.

Sa panayam sa radyo, sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na walang anumang epekto sa kanilang kaso laban kay Guo ang desisyon ng Ombudsman kaya’t tuluy-tuloy lamang aniya ito.

“Tuloy na tuloy po sapagkat wala pong epekto sa amin ang desisyon ng ating Office of the Ombudsman,” ayon pa kay Garcia.

“Ang Office of the Ombudsman sabi niya perpe­tually disqualified, tama po ‘yun. Pero sa amin, lahat ng kandidatong magsisinungaling sa certificate of candidacy o tinatawag natin na misrepresentation, ay kinakailangang humarap sa kasong criminal,” dagdag nito.

Sinabi ng poll chief na sa ngayon ay inaantaba­yanan pa nila ang tugon ng kampo ni Guo na una na nilang pinadalhan ng subpoena kaugnay sa kaso.

“Hinihintay na namin ang kanyang magiging sagot sampung araw matapos namin mai-serve ang tinatawag natin na subpoena. Again, hindi ito hihinto dahil lang sa desisyon ng ibang korte o ibang opisina,” aniya pa.

Matatandaang una nang napatunayan ng Comelec at ng National Bureau of Investigation (NBI) na ang fingerprints ni Guo at ng Chinese national na si Guo Hua Ping ay iisa.

Noong nakaraang linggo naman, ipinag-utos na ng Office of the Ombudsman ang pag-dismiss kay Guo sa serbisyo dahil sa kasong grave misconduct.

vuukle comment

ALICE GUO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with