^

Metro

P7 milyon relo ng amo kinulimbat, kasambahay arestado

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
P7 milyon relo ng amo kinulimbat, kasambahay arestado
Kinilala ang suspek na si Jaharra Payac Garcia, 22-anyos, tubong Maasid, Southern Leyte.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang kasambahay matapos na ireklamo ng kanyang amo nang matuklasang nawawala ang nasa 9 na piraso ng mamahaling relo na umaabot sa mahigit P7-milyong halaga sa Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Jaharra Payac Garcia, 22-anyos, tubong Maasid, Southern Leyte.

Ayon sa biktima na  isang doktor,  nag-out of the country sila  ng kanyang pamilya noong Hulyo 26 at bumalik ng bansa nitong Agosto 16.

Nagulat siya nang  makita na wala na sa vault na nasa loob ng kanyang kuwarto ang  nasa siyam na mamahaling relo na Rolex na umaabot sa P7,728,918.

Kabilang sa mga nawawala ay  Rolex Datejust II, na may halagang P632,000.00; Rolex GMT 2 two tone P1,354,004.00; Rolex Submarine P991,785.00; Rolex GMT2 Batman P1,162,129.00; Rolex Daytona,  P1,485,000.00; Rolex Milgauss, P486,000.00; Rolex Datejust 1, P410,000.00; Rolex Datejust, P608,000.00 at Rolex Explorer 2, P600,000.

Paliwanag naman ng  suspek, may tumawag sa kanya at pinadala ang mga nasabing relo sa isang gasolinahan sa Katipunan Avenue, malapit sa White Plains Avenue, Brgy. White Plains, Quezon City.

Sinabi rin ng houseboy ng biktima na nakita niya ang suspek na umalis ng bahay nitong Agosto 16 bandang alas-8:30 ng gabi na may bitbit na itim na shoulder bag.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng tracking at back tracking ang mga tauhan ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) laban sa  iba pang mga suspek.

Sinampahan na ng Qualified Theft si Garcia.

Inaalam na rin ng pulisya kung biktima ng “Budul-Budol Gang” si Garcia.

vuukle comment

JAHARRA PAYAC GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with