^

Metro

3 holdaper ng convenience store timbog

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
3 holdaper ng convenience store timbog
Kinilala ang mga suspek na sina Gary Caguioa, 43, ng Quia­po, Manila; Norman Belen, 28, ng Sampaloc, Manila at Joshua Niepes, 26, ng Calumpit, Bulacan.
STAR/File

MANILA, Philippines — Tatlong holdaper ng isang convenience store sa Quezon City ang nadakip ng mga tauhan ng Quezon City Police District(QCPD) kamakalawa ng mada­ling araw.

Kinilala ang mga suspek na sina Gary Caguioa, 43, ng Quia­po, Manila; Norman Belen, 28, ng Sampaloc, Manila at Joshua Niepes, 26, ng Calumpit, Bulacan.

Batay sa imbestigasyon ni PSSg Anthony Empleo, gabi ng Agosto 15 nang nakatanggap ang District Special Operations Unit ng Quezon City Police District (QCPD) ng impormasyon mula sa isang confidential informant tungkol sa isa pang posibleng robbery hold-up na isasagawa ng criminal group na dati nang nambiktima sa dalawang magkahiwalay na sangay ng convenience store gamit ang parehong sasakyang Toyota Fortuner sa Quezon City.

Bandang 3:15 ng madaling araw (August 16), agad nagkasa ng checkpoint ang DSOU sa pangunguna ni PMa. Wilfredo T Taran Jr., kasama ang Galas Police Station 1, La Loma Police Station 1 at Bacoor police at naispatan ang nasabing Toyota Fortuner na umaaligid sa convinience store sa kanto ng Champaca at Chuatoco Sts., sa Brgy Roxas District, sa lungsod.

Subalit nang mapansin ng mga suspek ang checkpoint ay nagtangka pa ang mga itong tumakas pero agad din silang nasakote ng mga awtoridad.

Nakumpiska sa mga suspek ang 3 maikling baril, ilang piraso ng samu’t saring bala ng magkaibang kalibre, 3 pirasong 40mm grenades, uniporme ng convenience store; iba pang iba’t ibang personal na gamit; constructions tools martilyo, at ilang piraso ng improvised plate number.

Nabatid na halos walong sangay na ng convenience store ang nilooban ng mga suspek na ngayon ay nakapiit habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanila.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with