^

Metro

Operasyon ng LRT-2, nalimitahan dahil sa taong-grasa

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Operasyon ng LRT-2, nalimitahan dahil sa taong-grasa
Sa abiso ng Light Rail Transit Autho­rity (LRT) na siyang nangangasiwa sa operasyon ng LRT-2, nabatid na mada­ling araw nang mamataan ang taong grasa sa viaduct, sa pagitan ng Pureza at Legarda Station sa Maynila.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Nilimitahan ng pamunuan ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ang kanilang operasyon dahil sa pagpasok ng isang taong- grasa sa viaduct, na matatagpuan sa pagitan ng dalawang istasyon nito sa area ng Maynila kahapon ng umaga.

Sa abiso ng Light Rail Transit Autho­rity (LRT) na siyang nangangasiwa sa operasyon ng LRT-2, nabatid na mada­ling araw nang mamataan ang taong grasa sa viaduct, sa pagitan ng Pureza at Legarda Station sa Maynila.

Dakong alas-5:59 ng umaga naman ay kaagad nang inanunsiyo ng LRTA ang implementasyon ng provisionary service o limitadong operasyon ng mga tren, mula Antipolo Station hanggang V. Mapa Station lamang sa Sta. Mesa, Maynila at pabalik.

“Pansamantalang nagpapatupad ng provisionary service ang LRT-2 dahil sa isang taong grasa na kasalukuyang nasa viaduct sa pagitan ng Pureza at Legarda station,” abiso ng LRTA. “Ang biyahe ng tren ay mula Antipolo station hanggang V.Mapa station lamang at pabalik.”

Samantala, dakong alas-7:18 naman ng umaga nang ianunsiyo ng LRTA na balik na sa normal ang operasyon ng buong linya ng LRT-2 matapos na matagumpay na masagip ang taong grasa.

vuukle comment

LIGHT RAIL TRANSIT LINE 2

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with