^

Metro

Karambola ng tatlong sasakyan: 4 sugatan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Karambola ng tatlong sasakyan: 4 sugatan
Apat ang nasugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Lower Bicutan sa Taguig.
STAR/File

MANILA, Philippines — Apat ang nasugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Lower Bicutan, Taguig City, madaling araw ng Huwebes.

Isinugod sa pagamutan ang mga biktima na dalawang babae at dalawang lalaki, kung saan isa pa ang kinailangang gamitan ng extractor mula sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ng Taguig para mailabas sa pagkakaipit sa pagitan ng Toyota Vios, e-trike, at jeepney.

Nabatid na dakong alas-3:55 ng madaling ng Agosto 8, 2024, nang magnap ang aksidente sa Dir. A. Bunye St., Lower Bicutan, Taguig City.

Naging mabilis ang responde sa pangyayari nang mapadaan ang mga papasok sa duty sa Camp Bagong Diwa na mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB) na sina P/Lt. Ian Limbawan at Patrolman Kayte Baltazar, na nakipag-ugnayan sa Traffic Management Office (TMO), CDRRMO ng Taguig at mga ambulansya.

Nagawa rin nila Lt. Limbawan at Pat. Baltazar na alalayan ang mga biktima at nagmando ng trapiko.

Isang jeepney driver na tinutukoy na responsable sa pangyayari ang tumakas, habang ang kaibigan nitong jeepney driver na ­lasing ang pinigil at dinala sa traffic bureau ng Taguig para sa imbestigasyon dahil sa posibleng ang tumakas na driver ay lasing din kaya nangyari ang aksidente.

vuukle comment

TAGUIG CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with