^

Metro

Pulis, misis na nagnakaw ng 8 patrol bike ng QCPD, timbog

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Pulis, misis na nagnakaw ng 8 patrol bike ng QCPD, timbog
Kinumpirma ni QCPD Director, PBGen. Red­rico Maranan, ang pagkakaaresto sa pulis na isang police corporal na dating nakatalaga sa QCPD tactical motorized unit.
Pixabay / File

MANILA, Philippines — Nadakip na ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang suspendidong pulis at misis nito sa umano’y nagnakaw ng walong mountain bike na inisyu ng QC LGU bilang patrol bike, sa ikinasang operasyon sa San Juan City, kamakalawa.

Kinumpirma ni QCPD Director, PBGen. Red­rico Maranan, ang pagkakaaresto sa pulis na isang police corporal na dating nakatalaga sa QCPD tactical motorized unit.

Binitbit ang mga suspek mula sa kanilang bahay sa Barangay Corazon De Jesus.

Nadiskubreng nawawala ang walong mountain bike nitong Agosto 2, dakong alas-6:30 ng umaga sa harap ng QCPD Grandstand, Camp Karingal, Barangay Botocan, Quezon City nang magsagawa ng inspection ang DTMU.

Nagulat na lamang ang mga pulis na nanakaw ang patrol bike nang makita sa market place na binebenta na ang mga mountain bikes ng P3,000 bawat isa.

Ayon naman sa seller hindi niya alam na nakaw mga mountain bikes at binayaran lang niya ang pulis ng halagang P24,000.

Inihahanda na ang kaso laban sa pulis at misis nito.

vuukle comment

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with