^

Metro

Call center agent tinodas sa loob ng bahay

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Call center agent tinodas sa loob ng bahay
Dead-on-the-spot ang biktimang si alyas “Kenneth”, 36-anyos, ng Brgy. San Bartolome, Novaliches na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa dibdib.
Image by Rudy and Peter Skitterians from Pixabay

MANILA, Philippines — Isang call center agent ang patay matapos na pasukin at barilin sa loob ng kanyang bahay ng hindi pa kilalang salarin kamakalawa ng gabi sa Novaliches, Quezon City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si alyas “Kenneth”, 36-anyos, ng Brgy. San Bartolome, Novaliches na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa dibdib.

Batay sa report, nakatanggap ng tawag ang mga tauhan ng Station Tactical Operation Center (STOC) ng Novaliches Police Station, dakong alas-10:40 ng gabi mula sa biktima at humihingi ng tulong.

Sa pahayag ng biktima, may nagbabanta umano sa kanyang na papatayin at armado ng hindi pa matukoy na baril.

Agad na kumilos ang mga pulis ng PS-4, QCPD na kinabibilangan nina PChief Master Sgt. Albert Canua, Pat. Jayson Morallos at Pat. Brandon Guntang subalit nang malapit na sila sa lugar, nakarinig sila ng putok ng baril.

Dahil dito, humingi ng backup sa STMRU at dumating sina PCpl Estelito Enalpe, PCpl Zosimo Padilla, at PCpl. Aldwin Nofies na nadatnan ang biktima na wala nang buhay sa kanyang kama.

Lumilitaw sa pagsisiyasat ng SOCO team ng QCPD sa pangunguna ni PCapt. Eric Angayangay na nakuha sa lugar ang isang basyo ng shotgun, isang Magnum Smith and Wesson caliber 22 long riffle at 42 piraso ng caliber 22 cartridges.

vuukle comment

QCPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with