^

Metro

Balik-eskwela: Mga agarang bilihing kayang diskartehan kapag may GCash

Pilipino Star Ngayon
Balik-eskwela: Mga agarang bilihing kayang diskartehan kapag may GCash
Para sa mga magulang na kinakaharap ang bigat ng gastusin, kaya niyo nang paghandaan ang pasukan dahil may pantawid, pangsalo at panghulugan ka gamit ang GCash

#PasukanNaBitinPa? Sa tulong ng GLoan, GCredit at GGives, hindi magiging bitin ang paghahanda ngayong pasukan

MANILA, Philippines — Papalapit na naman ang pasukan at sabik man ang mga chikiting, iba naman ang pangamba ng maraming magulang: bitin ang paghahanda dahil sa sunod-sunod na gastos.

Taon-taon, nakasanayan na ang paghahanda: maigi ang pagbabadyet, todo-kayod sa sideline, at handang pagtiisan na lang ang mga lumang gamit. Ngunit ngayon, may bago nang diskarte para sa mga wais na magulang upang mairaos ang kanilang mga gastusin. 

Para sa mga magulang na kinakaharap ang bigat ng gastusin, kaya niyo nang paghandaan ang pasukan dahil may pantawid, pangsalo at panghulugan ka gamit ang GCash. Madali lang ang paghiram gamit ang GCash: i-access ang GCredit, GGives at GLoan sa GCash dashboard o kaya’y i-click ang “Borrow” button.

Narito ang tatlong diskarteng kayang-kaya gawin when you borrow with GCash:

1. Panghulog sa matrikula

Nangunguna sa listahan ng gastusin ang pambayad sa tuition fee. Para sa mga may pinag-aaral sa public school at state universities, bagamat libre ang matrikula, naririyan pa rin ang mga bayarin gaya ng miscellaneous fees. Kung dati ay kinakailangan mong mangutang sa kamag-anak o magpasa ng promissory note sa eskwela bago makapagpa-enrol, ngayon ay pwede mong bayaran ang tuition fees sa tulong ng GLoan at GGives. 

Kung ikaw ay eligible sa GLoan, maari kang humiram ng hanggang P125,000. Direkta itong matatanggap sa GCash wallet mo at pwedeng gamiting pangsalo sa ano mang gastusin sa pasukan, at maaaring bayaran sa loob ng lima hanggang 24 na buwan. Kung ikaw ay eligible, ikaw ay maaring maging pre-approved sa loob ng 24 hours at hindi na kailangang magbigay ng karagdagang dokumento kapag ikaw ay hihiram.

Kung eligible ka naman sa GGives, maari mo ring gawing hulugan ang pagbayad ng tuition fees sa piling mga paaralan at pamantasan gamit ang Pay Bills feature sa GCash para mas magaan sa bulsa. 

2. Pangtawid ng bayarin para sa bagong bag, damit at sapatos 

Pilit mang patagalin ang mga gamit para makatipid, dadating pa rin ang araw na kailangang palitan ang napagliitang sapatos at damit, o mga nalaspag na gamit gaya ng bag at school supplies. Kung dati ay magtitiis muna sa pinaglumaang sapatos ng ate o kuya at maghintay kung kailan makakaluwag-luwag, ngayon, pwede kang saluhin ng GCredit para makakuha ng pantawid-gastos sa mga school supplies at uniform.

Kung ikaw ay eligible sa GCredit, maari kang humiram ng hanggang P50,000 para ipambayad sa piling GCredit-enabled online at physical merchants para hindi ka na maipit sa pagbili ng school supplies. Arawan ang prorated na interes nito (mula 0.17% araw-araw) kaya’t mas mababa ang kabuuang interes kapag maaga kang magbayad.

Kailangan ng palugit sa pagbayad? Pwedeng bayaran muna ang Minimum Amount Due tuwing billing o due date para hindi mabigat sa bulsa.

3. Hulugan na bayaran sa mga mahal na gadgets 

Kahit may kamahalan, hindi na talaga maiiwasang mangailangan ng mga gadgets sa pag-aaral tulad ng laptop, cellphone at tablet.

Marami mang may nakagawian na ang pagpunta sa internet cafe o ang paghiram ng laptop sa kamag-anak, hindi pa rin ito sapat para matulungan ang mga estudyante sa kanilang pag-aaral, lalo na kung kailangan gabihin ang mga bata. Ngayon, maari mo nang i-upgrade ang lumang laptop o bumili ng cellphone o tablet gamit ang GGives, ang installment plan ng GCash.

Para sa mga malalaking bilhin na hindi mo kayang bayaran ng isang bagsakan pero afford kapag hulugan, sasaluhin ka ng GGives. Kung ikaw ay eligible, maaaring humiram ng hanggang P125,000 para ipambayad sa piling GGives-enabled online o physical stores. Hindi kailangang maglabas ng pera dahil wala itong downpayment o cashout mula sa GCash wallet, at maaaring bayaran ng hanggang 24 na buwan. 

 

Ngayong balik-pasukan, hindi kailangang mangamba na magkukulang ka para sa mga pangangailangan at gastusin ng iyong mga anak. Para sa mga agarang bilihan at sabay-sabay na gastos, katuwang mo ang GCash bilang isa sa mga diskarte ng wais na magulang. Para sa mga gastusin ngayong pasukan, handa ka sa tulong ng GCash. Kaya today, Borrow with GCash! 

Wala pang GCash? I-download na ang GCash App sa Apple App Store, Google Play Store, o Huawei App Gallery. Kaya mo, i-GCash mo!

 


Editor's Note: This press release for GCash is not covered by Philstar.com's editorial guidelines. 


 

vuukle comment

GCASH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with