^

Metro

‘Carless Sundays’ sa Tomas Morato, itinutulak ng Quezon City-LGU

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Itinutulak na rin ng Quezon City government ang pagpapatupad ng “Carless Sundays” sa kahabaan ng Tomas Morato Avenue sa ­Quezon City.

Ayon sa QC LGU, magsasagawa sila ng “hybrid public consultation” hinggil sa planong “carless” sa Tomas Morato Avenue tuwing Linggo.

Isasagawa ang consultation sa Agosto 21 sa South Triangle Co­vered Court at Agosto 24 sa Obrero Old Barangay Hall.

Sa Facebook page ng QC LGU, nakasaad na plano ni Councilor Irene Belmonte  ang pagpapatupad ng “car-free” or “carless” sa naturang kalsada.

Sa ilalim ng panukalang ordinansa na “Carless Day and Market Day”, nais nitong ma-regulate ang paggamit sa lugar na mula E. Rodriguez hanggang Sct. Albano. Isasara ang kalsada mula alas-12 ng madaling araw ng Linggo hanggang alas-11:59 ng gabi.

Nabatid na mapa­patawan ng parusa ang sinumang hindi susunod sa ordinansa.

“Bukas ito sa publiko upang maibahagi ang inyong komento at rekomendasyon,” anang QC LGU.

vuukle comment

MORATO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with