^

Metro

17 na biktima ng paputok — DOH

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
17 na biktima ng paputok — DOH
On-duty doctors and nurses treat fireworks-related injuries at the emergency room of a hospital in Quezon City following the New Year celebrations on January 1, 2024.
STAR/Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Nakapagtala na ang Department of Health (DOH) ng 17 firewor­k-related injuries (FWRI) cases sa bansa, kaugnay nang nalalapit na pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Ang bilang ay mula Disyembre 22-23, 2024 sa 62 ospital na kanilang binabantayan sa buong bansa.

Sa mga naturang kaso, 16 ang lalaki na nagkakaedad ng 7-37 taong gulang habang isa naman ang babae, na nasa 20-taong gulang.

Kaugnay nito, mahigpit ang paalala ng DOH sa publiko na iwasan ang paggamit ng anumang uri ng pa­putok. Mas makabubu­ting gumamit ng mga alternatibong pampai­ngay tulad ng tambol, torotot, at iba pa.

Hinikayat din naman ng DOH ang mga magulang na pagbawalan ang mga bata sa pagpapaputok.

“Maaaring tawagan ang National Emergency hotline sa numerong 911 at 1555 naman para sa DOH hotline sakaling mangailangan ng tulong,” ayon pa sa DOH. “Disiplina ay kailangan para masaya at Ligtas Christmas sa Bagong Pilipinas!”

DOH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with