^

Metro

Fire truck nag-refill sa private pool sa Rizal

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Fire truck nag-refill sa private pool sa Rizal
Ayon kay Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos Jr.inatasan niya si BFP Chief Fire Director Louie Puracan na alamin ang alegasyong “unlawful” na paggamit ng fire truck ng BFP.
STAR / Jesse Bustos

Pinaiimbestigahan ng DILG

MANILA, Philippines — Pinaiimbestigahan ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos Jr. sa Bureau of Fire Protection (BFP) ang umano’y paggamit ng fire truck para magpuno ng tubig sa swimming pool ng isang pribadong resort sa Taytay, Rizal.

Ayon kay Abalos inatasan niya si BFP Chief Fire Director Louie Puracan na alamin ang alegasyong “unlawful” na paggamit ng fire truck ng BFP.

Nauna nang nag-viral sa social media ang paggamit ng fire truck sa pag-refill ng tubig sa nasabing swimming pool.

Inutos din ng kalihim ang agarang pagsibak sa puwesto sa mga sangkot na tauhan ng kawanihan habang ginagawa ang imbestigasyon.

Mahigpit na kinokondena ng DILG ang anumang maling paggamit ng resources ng gobyerno.

Sa isang post sa Facebook, makikita na nakuhanan ng larawan ang isang fire truck ng BFP sa harap ng isang gusali at mayroong hose. May video rin na makikitang kumukuha naman ng tubig sa isang fire hydrant.

vuukle comment

BFP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with