^

Metro

Online bingo outlet ninakawan, sinunog ng sekyu

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Online bingo outlet ninakawan, sinunog ng sekyu
Sa kuha ng CCTV, makikita ang dalawang ulit na pagkuha ng suspek ng pera sa vault na aabot sa halagang P800, 000 sa pinagtatrabahuhang online bingo na matatagpuan sa Paso de Blas, Valenzuela City.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Himas rehas ngayon ng isang security guard nang tangkain sunugin ang  binabantayang online bingo outlet na kanyang pinagnakawan Huwebes ng ­umaga sa  Valenzuela City noong Huwebes ng umaga.

Sa kuha ng CCTV, makikita  ang dalawang ulit na pagkuha ng  suspek ng  pera sa vault na aabot sa halagang P800, 000 sa  pinagtatrabahuhang online bingo na matatagpuan sa Paso de Blas, Valenzuela City.

Upang hindi umano mabisto ang ginawang pagnanakaw, sinunog ng  suspek ang  ilang bundle ng pera, at saka nagreport sa mga barangay tanod na nasusunog ang kanyang pinagtatrabahuhang online bingo bandang alas-7 ng umaga.

Mabilis namang nagresponde ang mga tanod at naapula ang apoy kung saan maliit na bahagi lamang ng opisina ng kahera ang natupok.

Inireport sa pulisya ng mga nangangasiwa ng online bingo sa pulisya ang nawawalang P800,000.00 kaya  agad na siniyasat ang CCTV footage.

Doon na  ay nadiskubre ang pagnanakaw at pagsunog ng sekyo sa tanggapan ng kahera.

Inamin naman ng suspek ang pagnanakaw at saka itinuro ang pinagtaguan niya ng bundle na pera na nagkakahalaga ng P250,000 na bahagya nitong sinunog sa planong  tangayin sa mga susunod na araw.

Inihahanda na ang  kasong isasampa  laban sa suspek.

vuukle comment

REHAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with