^

Metro

Mga nagra-rally vs. konstruksiyon ng bagong Pasig City Hall, hinarap ni Mayor Vico

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinarap kahapon ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang mga taong nag­ra-rally kontra sa planong pagpapatayo ng bagong Pasig City Hall, na nagkakahalaga ng P6 bilyon.

Nabatid na ang naturang rally ay inorganisa umano ng grupong ‘Save Pasig Org,’ ngunit nagulat ang alkalde nang matuklasan na karamihan sa mga raliyista ay hindi naman residente ng Pasig City at sa halip ay mga taga-Quezon City, na ni hindi umano alam kung bakit dinala sila sa Pasig.

Sa kanyang Facebook page, sinabi ni Sotto na bago ang rally ay may natanggap ang media na press release kama­kalawa, na may magra-rally daw na mahigit 300 Pasigueño sa harapan ng city hall, dakong alas-10:00 ng umaga ng Agosto 12.

Nakarating aniya sa kanya ang balita kaya’t pagdating ng mga raliyista ay kaagad niyang pinuntahan ang mga ito dahil bukas naman siya sa kanilang mga katanungan.

“KASO LANG, pagdating ko sa kanilang “rally” kuno, puro naman HAKOT MULA SA QUE­ZON CITY ang naabutan ko (nasa video). Ni hindi alam ng karamihan kung bakit sila dinala sa Pasig.,” anang alkalde.

Kaugnay nito, muli rin namang tiniyak ni Sotto na bukas siya sa mga katanungan at pagsusuri.

Aniya pa, “Handa tayo para rito, dahil ang ginagawa natin ay napag-isipan nang maigi, maganda/kailangan para sa kinabukasan ng lungsod, at Transparent ang proseso.”

Dagdag pa niya, “Ok lang ang katanungan pero sawa na tayo sa DIRTY TACTICS. Lumalabas sa imbestigasyon na pinahakot sila ng isang political group dito. “

Siniguro rin naman ng alkalde na patuloy lang siyang magtatrabaho ngunit kailangan din naman aniyang paminsan-minsan ay mabunyag ang mga ganitong dirty tactics.

Samantala, sa isyu naman ng bagong City Hall, sinabi ni Sotto na asahan nang magiging available sa publiko ang detailed costing nito kapag naisapinal na ang disenyo at build modality.

Aniya, sa ngayon kasi ay may requirements pa ang winning bidder na kailangang tugunan bago matuloy ang contract signing.

vuukle comment

RALLY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with