^

Metro

NBI raid sa KOJC compound, ‘moro-moro’! - Ex-pastor

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
NBI raid sa KOJC compound, �moro-moro�! - Ex-pastor
Pastor Apollo Quiboloy.
Sunshine Media

MANILA, Philippines — Tinawag na “moro-moro” ng isang dating pastor ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ang isinagawang pagsalakay ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pa­ngunguna ni NBI-Region 11 director Archie Albao na umano’y nagbebenepisyo kay Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon kay Arlene Stone, dating pastor ng KOJC ikinagulat niya nang malaman na si Albao ang nanguna sa pagsalakay sa KOJC compound samantalang “malapit” umano ang naturang police official kay Quiboloy.

Ang “scripted” na raid umano ay isinagawa ng NBI matapos magpahayag si Police Regional Office 11 (PRO-11) Regional Director PBrig. Gen. Nicanor Torre na si Quiboloy ay nasa loob pa rin ng KOJC compound.

Ani Stone, inunahan nila ang PNP upang palitawin na kumikilos sila.

Kapansin-pansin din ang umano’y pagiging magiliw ni Albao sa mga miyembro ng KOJC sa panahon ng operasyon.

Ibinunyag din ni Stone na noong panahon na siya ay nasa KOJC, regular niyang inaabot ang mga sobre na may lamang pera kay Albao.

Ang raid na naglalayong imbestigahan ang mga aktibidad ni Quiboloy ay nagdulot ng malubhang pagdududa sa integridad ng mga aksyon ng NBI.

Nabatid na pangunahing complainant sa kaso laban kay Quiboloy si Stone.

Dahil dito, nanawagan si Stone kay NBI Director Jaime Santiago na magsagawa ng masu­sing imbestigasyon sa mga aksyon ni Albao na umano’y nagsisilbi ring informant ni Quiboloy.

vuukle comment

NBI

PRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with