^

Metro

Gun ban kasado na sa SONA – PNP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Gun ban kasado na sa SONA � PNP
File photo shows various firearms.
The STAR / File

MANILA, Philippines — Tulad nang nakagawian, ipatutupad ng Philippine National Police (PNP) ang gun ban sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo 22.

Sa inilabas na abiso ng PNP, suspindido ang lahat ng permits to carry firearms outside of residence (PTCFOR) simula alas-12:01 ng madaling araw ng Hulyo 22 hanggang alas-11:59 gabi.

Ang suspensiyon ay para matiyak ang seguridad ng pagdaraos ng SONA ni PBBM sa Kongreso.

Una nang sinabi ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na nakatutok ang kapulisan sa seguridad sa paligid ng Batasang Pambansa Complex para na rin sa mga sibilyan at raliyista.

Ang seguridad sa loob ng Kongreso ay panga­ngasiwaan naman ng House Office of the Sergeant at Arms at Presidential Security Group. Habang papalapit ang araw ng SONA, tuluy-tuloy din ang kanilang koordinasyon sa mga posibleng adjustment o hindi inaasahang sitwas­yon. Sa ngayon aniya, wala naman silang namomonitor na anumang mga banta sa Marcos admi­nistration.

Nasa 22,000 pulis ang ikakalat sa SONA kung saan 6,000 ang itinalaga sa paligid ng Batasang Pambansa Complex.

vuukle comment

SONA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with