^

Metro

3 minor nangholdap, nanaksak sa UP coed, timbog

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
3 minor nangholdap, nanaksak sa UP coed, timbog
Positibo namang kinilala ng biktima ang mga suspek na nasa edad 14 15 at 16 lang; kapwa residente ng Brgy. Krus na Ligas ng nabanggit na lungsod.
STAR / File

MANILA, Philippines — Inihayag ni Quezon­ City Police District (QCPD) director PBrig. Gen. Redrico Maranan na naaresto na ang tatlong menor-de-edad na nangholdap at nanaksak umano sa babaeng estudyante ng University of the Philippines (UP) Diliman sa loob ng kanilang campus sa Quezon City noong Lunes ng gabi.

Positibo namang kinilala ng biktima ang mga suspek na nasa edad 14 15 at 16 lang; kapwa residente ng Brgy. Krus na Ligas ng nabanggit na lungsod.

Ayon kay PLt. Col. Zachary Capellan, Station Commander ng Anonas Police Station (PS 9), agad silang nagsagawa ng imbestigasyon at sa nakuhang CCTV footage mula sa Brgy. UP Campus, na­kilala ang mga suspek.

Agad na ikinasa ng mga tauhan ni Capellan ang hot pursuit ope­ration na nagresulta sa pagkakadakip sa tatlong menor-de-edad.

Sa ulat, alas-8 ng gabi ng Lunes, tatlong lalaki umano ang lumapit sa 18-anyos na biktima at tinutukan ng kutsilyo sabay deklara ng hold-up. Nang magsisigaw ang dalaga, sinaksak ng mga suspek saka sila tumakas dala ang kanyang Samsung phone, wallet na may IDs, ATM card, at P500 cash patungong CP Garcia.

Isang concerned citizen ang nagdala sa biktima sa Diliman Doctor’s Hospital upang malapatan ng lunas.

Nabawi ng pulisya sa mga suspek ang wallet ng biktima na naglalaman ng IDs, pictures, visa cards, at cellphone.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with