^

Metro

P2.2 milyong halaga ng shabu nasabat ng QCPD, 9 na ‘tulak’ timbog

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
P2.2 milyong halaga ng shabu nasabat ng QCPD, 9 na �tulak� timbog
Ang nasabat na illegal drugs ng mga tauhan ni Quezon City Police District (QCPD) Director PBGen. Redrico Maranan sa sunud-sunod na operasyon sa lungsod.
PIO-QCPD

MANILA, Philippines — Umaabot sa P2.2 milyon ang halaga ng shabu na nasabat ng Quezon City Police District (QCPD) mula sa magkakahiwalay at sund-sunod na buybust operation na nagresulta sa pagkakadakip sa siyam na ‘tulak’ kabilang ang isang menor de edad sa Quezon City.

Batay sa report ni Talipapa Police Station (PS 3) PLtCol Morgan Aguilar kay QCPD Director PBGen. Redrico A Maranan, isang impormasyon ang kanilang natanggap na magkakaroon ng transaksiyon sa No. 46 Dimaano Compound, Brgy. Balong Bato, Quezon City.

Dakong alas-6:55 ng gabi nitong Huwebes nang ikinasa ang drug operation kung saan isang pulis ang nagsilbing poseur buyer at nakabili ng P11,000 halaga ng  shabu sa 17-anyos na ‘tulak’.

Maliban sa 150 gramo ng shabu P1,020,000.00 halaga ng shabu, nakuha din sa suspek ang 10 gramo ng marijuana o “Kush” na nagkakahalaga ng P15,000.00.

Samantala, arestado rin sa buy-bust operation  ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) nina PMaj Wennie Ann Cale at Masambong Police Station (PS 2)  PLtCol Jewel Nicanordakong alas-11 ng gabi nitong Biyernes sa No. 62 Carig St., Brgy. Veterans Village, QC sina Patrick Allen Bosque, 26 at Dianne Marie Leonor, 46 matapos na makuhanan ng 55 gramo ng shabu na may halagang P374,000.00.

Sa drug operation naman ng  Batasan Police Station (PS 6) ni PLtCol Roldante Sarmiento, timbog ang ‘tulak’ na si Christopher Rivera, 40 na Angkas rider sa Nikon St. IBP Road, Brgy. Commonwealth nang bentahan ng shabu sa halagang P500 ang poseur buyer na pulis. Nakuha dito ang 25 gramo ng  shabu na may halagang P170,000.00, Honda Click 125 motorcycle,  cellphone at buy-bust money.

Lumilitaw naman sa report ni Novaliches Police Station (PS 4) chief PLtCol. Reynaldo Vitto, na nadakip sa magkakasunod nilang anti illegal drug operations  sina Eugene Mar Galicia, 24 at  John Jonald Cabasag Ornedo, 25  sa Austria St., Brgy. Nova Proper, Novaliches, Quezon City habang sa Quirino Highway sa Brgy. Gulod, Novaliches nadakma sina Derico Vinarao, 41, Sandara Adrales, 22 at Eudoxus Catungal, 27 dakong alas-11 ng gabi nitong Biyernes.

Ang mga suspek ay sasampahan ng kasong R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa  Quezon City Prosecutor’s Office.

Pinuri naman ni Maranan ang mga operatiba sa patuloy na pagpapaigting ng anti-drug operation na nagresulta ng pagkakumpiska ng mga nabanggit na ebidensya at pagkakadakip ng mga drug suspects.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with