^

Metro

Lider ng Manibela swak sa cyber libel

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Lider ng Manibela swak sa cyber libel
This photo shows Mar Valbuena with members of transport group Manibela in a protest against the Public Utility Vehicle Modernization Program.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Inirekomenda ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng dalawang bilang ng kasong cyber libel laban kay Manibela President Mar Valbuena bunsod ng kanyang mga pahayag na sangkot si Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista sa korapsiyon sa loob ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Batay sa 17-pahinang resolusyon na inilabas ni Assistant Pro­secutor Maria Kristhina Paat-Salumbides, nakitaan umano ng “probable cause” para sampahan ng dalawang bilang ng kasong paglabag sa Republic Act 10175 o Cyber Crime Prevention Act si Valbuena.

Sa naturang resolusyon na inaprubahan ni Prosecutor General Benedicto Malcontento, ibinasura naman ang reklamong “grave threat” laban kay Valbuena.

Nag-ugat ang kaso nang akusahan ni Valbuena si Bautista na tumatanggap umano ng multi-milyong pisong suhol matapos ang isang pulong balitaan na idinaos ng grupo, kasama ang isang da­ting executive assistant sa LTFRB, na siyang nagbunyag ng mga anomalya sa loob ng ahensiya ngunit kalaunan ay binawi rin ito.

Mariin namang pinabulaanan ni Bautista ang mga alegasyon at sinabing, “I cannot allow myself to be the subject of another’s desperate attempt to attain fame, especially when malicious, baseless, and untruthful statements are hurled against me, if only to put a blemish a blemish on my untarnished track record and reputation of excellence and integrity.”

Ayon sa DOJ, ang mga naturang akusas­yon ni Valbuena ay nakitaan nila ng elemento ng cyber libel dahil ito ay may “malicious imputation” ng isang “criminal act”.

Pagdating naman sa elemento ng publikasyon, sinabi ng DOJ na makikita ang mga libelous na pahayag ni Valbuena sa mga isinagawang panayam sa kanya, hindi lamang sa mga television broadcasts kundi maging sa internet.

Hinggil naman sa pahayag ni Valbuena na, “sasagasaan ka namin ng jeep namin,” sinabi ng DOJ na hindi nila ito nakitaan ng pagbabanta.

vuukle comment

DEPARTMENT OF JUSTICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with