^

PSN Palaro

3rd spot kinuha ng Lady Spikers

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
3rd spot kinuha ng Lady Spikers
Mala-pader ang depensa nina Amie Provido at Shevana Laput ng La Salle kay Gerz Petallo ng FEU.
(UAAP photo)

MANILA, Philippines — Pinana ng De La Salle University ang solo third spot matapos katayin ang Far Eastern University, 25-17, 25-20, 25-22, sa UAAP Season 87 women’s volleyball tournament kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Nabulaga ng Lady Spi­kers ang Lady Tamaraws nang umarangkada sa open­sa si Shevana Maria Ni­cola Laput na nagtala ng 22-point performance para ilista ang 5-2 karta ng Taft-based squad.

Maliban sa four-game winning streak ng La Salle ay napahaba rin nila ang pa­mamayagpag sa FEU na pitong sunod na nilang tinatalo simula noong Season 82.

Naghabol ng isang pun­tos ang Lady Spikers, 17-18, sa third set pero na­ging matikas ang laro ng 6-foot-2 na si Laput nang pu­malo ng mga kills at krus­yal block para agawin ang 22-19 bentahe sa Lady Tamaraws.

Nagtala si Alleiah Mala­luan ng 12 points at may 10 markers si Angel Anne Canino, habang walo ang tinipa ni Amie Provido para sa La Salle.

Bumida si Faida Bakanke ng siyam na puntos at walo ang iniskor ni Gerzel Mary Pettalo para sa FEU na nalaglag ang baraha sa 4-3.

Samantala, napahirapan ang Ateneo de Manila University bago nailipad ang 20-25, 25-16, 22-25, 25-15, 15-13 panalo kontra University of the East sa unang laro.

SPORTS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad