Magic pinulutan ng Timberwolves

MINNEAPOLIS — Nagsalpak si Anthony Edwards ng 28 points at bumalikwas ang Minnesota Timberwolves para resbakan ang Orlando Magic, 118-111.
Nagdagdag si Julius Randle ng 22 points para sa pang-pitong sunod na ratsada ng Timberwolves (39-29), habang may 14 at 12 markers sina Donte DiVincenzo at Rudy Gobert, ayon sa pagkakasunod.
Humakot si Paolo Banchero ng 43 points at 11 rebounds para sa Magic (31-37).
Matapos kunin ng Orlando ang 90-82 abante sa 10:23 minuto ng fourth period ay naghulog ang Minnesota ng isang 13-0 bomba para agawin ang 95-90 bentahe.
Nakatabla ang Magic sa 98-98 sa huling 3:32 minuto ng laro kasund ang 9-0 atake ng Timberwolves para tuluyan nang selyuhan ang kanilang panalo.
Sa Denver, kumonekta si Jamal Murray ng isang three-pointer sa huling 5.6 segundo, habang inagaw ni Russell Westbrook ang inbounds pass para sa kanyang exclamation-point dunk sa 131-126 panalo ng Nuggets (43-24) kontra sa Los Angeles Lakers (40-25).
Sa Memphis, naglista si Evan Mobley ng 22 points at 11 rebounds sa 133-124 pagtuhog ng Cleveland Cavaliers (56-10) sa Grizzlies (42-25).
Sa Phoenix, umiskor sina Devin Booker at Kevin Durant ng tig-22 points sa 122-106 pagsunog ng Suns (31-36) sa Sacramento Kings (33-33).
Sa San Antonio, nagsumite si LaMelo Ball ng 27 points at 14 assists at nagsalpak ang Charlotte Hornets (17-49) ng franchise-record na 26 triples para sa 145-134 paggupo sa Spurs (27-38).
Sa Salt Lake City, nagposte si Scottie Barnes ng 20 points at 10 rebounds sa 126-118 pagdakma ng Toronto Raptors (24-43) sa Utah Jazz (15-52).
- Latest