^

Metro

Sanggol inanod ng baha sa Las Piñas

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

Nabitawan ng ama

MANILA, Philippines — Nasawi ang isang sanggol nang mabitawan at anurin sa ilog matapos wasakin ng baha ang kanilang bahay, sa Las Piñas City, Martes ng gabi, Hulyo 8.

Idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan ang isang taong gulang na biktima.

Sa ulat, dakong alas-8:00 ng gabi nitong Martes nang bahain dahil sa tindi ng pag-ulan ang lugar ng pamilya Montillano sakop ng Brgy. Almanza Uno.

Ayon sa ina ng biktima, sinubukan nilang lumikas ng kanyang asawa mula sa kanilang bahay dahil sa baha dala ang kanilang sanggol.

Dahil sa sobrang lakas ng agos ng tubig ay nagiba ang kanilang bahay at natabunan ang mag-asawa ng mga kahoy at yero kaya nahirapang makalabas ng bahay hanggang sa mabitawan ang biktima.

Sa evacuation center sa Talon Tres unang dinala ng isang binatilyo ang sanggol na nakita sa ilog bago isinugod sa ospital.

Samantala, nasa 200 pamilya ang inilikas ng lokal na pamahalaan sa buong magdamag dahil sa tuluy-tuloy na pagtaas ng tubig at may ilang lugar na lagpas-tao pa umano ang baha bunga ng pag-apaw ng ilog.

Ang mga pamilyang inilikas ay pawang nakatira malapit sa creek na umapaw.

LAS PIñAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with