^

Metro

Dismissed na pulis, arestado

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Dismissed na pulis, arestado
Sa ulat nitong Sabado ni Quezon City Police District (QCPD) Director P/Brig. Gen. Randy Glenn Silvio, inaresto sa follow-up operation ang suspek na si alyas “Ram,” dismissed na pulis, sa reklamong carnapping ng isang residente ng Union Civica St. Barangay San Isidro, QC.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, file

MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang 54-anyos na dating mi­yembro ng Philippine National Police (PNP) dahil sa pagtangay ng isang tricycle na nakaparada sa tapat ng bahay ng may-ari nito, sa Quezon City noong Hulyo 16.

Sa ulat nitong Sabado ni Quezon City Police District (QCPD) Director P/Brig. Gen. Randy Glenn Silvio, inaresto sa follow-up operation ang suspek na si alyas “Ram,” dismissed na pulis, sa reklamong carnapping ng isang residente ng Union Civica St. Barangay San Isidro, QC.

Sa imbestigasyon,  ipinarada ng biktima ang Kawasaki motorcycle na may side car sa tapat ng kanyang bahay gabi ng Hulyo 15 at kinabukasan ay naglaho.

Isang saksi ang nakitang minamaneho ng suspek ang tricycle patungo sa Bayani St, Brgy. San Isidro madaling araw ng Hulyo 16.

Hulyo 17, nang makumpirma ng biktima umuwi ng bahay ang suspek at ipinaalam sa pulisya, na inaresto ala-1:00 ng madaling araw.

Nahaharap naman ang suspek ngayon sa paglabag sa New Anti-Carnapping Act of 2016 sa Quezon City Prosecutor’s Office.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with