1 todas, 7 sugatan sa karambola

MANILA, Philippines — Pumanaw ang isa, habang ginagamot pa ang pitong biktima ng pagsalpok ng isang SUV sa ilang sasakyan sa EDSA northbound corner Oliveros Drive sa Barangay Apolonio Samson, Quezon City, madaling araw ng Biyernes, Hulyo 17, 2026.
Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 1, dakong alas-5:05 ng umaga nang maganap ang tila karambola ng SUV, pickup truck, taxi, at dalawang motorsiklo.
Makikita sa viral video, na bumabaybay sa northbound lane ng EDSA at bumangga sa likod ng pickup truck, nawalan ng control, tumagilid at nagpagulung-gulong, umatras, na tumama sa dalawang motorsiklo, at bumangga sa isang taxi.
Sa lakas ng impact, tumilapon ang sakay ng dalawang motorsiklo habang natuklap ang bubong ng SUV at nabasag ang windshield.
Isinugod sa pagamutan ang mga nasugatang dalawang pasahero.
Dakong alas-11:00 ng umaga ng araw na iyon ay binawian ng buhay ang isa sa sugatang pasahero ng SUV.
Pinaniniwalaang nakainom ang driver, na isasailalim pa sa alcohol breath analyzer (ABA).
- Latest
























