Obrero kalaboso sa kasong rape ng 2 stepdaughters

MANILA, Philippines — Nagwakas na ang kalbaryo ng dalawang menor-de-edad matapos maaresto noong Huwebes ang kanilang stepfather na inireklamo ng sekswal na pang-aabuso ng halos 4 na taon, sa Pasig City.
Ang akusadong top 2 most wanted ng Pasig na si alyas “Mark,” 26, construction worker ay nahaharap sa kasong rape o Article 266-A ng Revised Penal Code (RPC) kaugnay sa Section 5(a) ng Republic Act 8369, na walang inirekomendang piyansa.
Bukod pa rito ang two counts ng acts of lasciviousness o Article 336 ng RPC in relation to Section 5(a) of RA 8369, na may inirekoemdang piyansang P36,000 sa bawat bilang at two counts ng Section 12 ng RA 11313 o Safe Spaces Act, na inirekomenda sa piyansang P60,000 sa bawat bilang.
Nabatid na inisyu ang warrants of arrest nitong Hulyo 15, 2026, ng Pasig City Regional Trial Court, Branch 159, at kinabukasan ay agad isinilbi laban kay Mark.
Noong Pebrero 2026 nang naglakas-loob ang isa sa biktima na isumbong sa kaanak ang ginawa ng stepfather. Nagsimula noong Setyembre 2022 ang paulit-ulit na pang-aabuso sa kanila sa loob ng kanilang bahay, sa Barangay Buting, Pasig City, habang nasa trabaho ang kanilang ina.
Tumagal umano ang pang-aabuso hanggang sa huling bahagi ng 2025.
Bukod sa sexual abuse, pinadalhan din ang mga biktima ng mga mensahe na kabastusan, na agad na ring naide-delete ng magkapatid.
Hindi agad nakapagsumbong ang mga bata sa ina sa takot na pagalitan o hindi paniwalaan.
Napatunayan sa medico-legal examinations na may mga nakalipas na physical trauma sa katawan ng mga biktima, dahilan upang isulong noong Abril 2026 ang mga kaso.
- Latest























