^

Metro

Lady driver na nagpakilalang taga-ISAFP, lumabag sa EDSA busway, itinanggi ng AFP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi umano miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pasaway na lady driver na nagpakilalang aktibong opisyal ng  militar at pamangkin ng isang heneral para makalusot sa paglabag sa trapiko matapos na mahuling gumagamit ng EDSA bus lane sa Makati City noong Huwebes ng gabi.

Ito ang kinumpirma ni AFP Spokesperson P/Col. Francel Margareth Padilla matapos magsagawa ng pagbeberipika sa rekords ng AFP at sinabing hindi  kasapi sa Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) ang naturang lady driver.

Sinabi ni Padilla na walang personalidad sa ISAFP na tumutugon sa pangalan ng nasabing pasaway na lady driver na nagpakilala ring pamangkin ng isang Major Gen. Reyes sa isang video na iposte sa social media. 

Ayon kay Padilla walang Major General Reyes sa AFP na ipinagmalaki pa ng nasa­bing lady driver sa mga sumita sa kanyang traffic enforcer.

Naganap ang pagsita, alas-6:35 ng gabi ng isang kulay itim na Toyota Fortuner ang  dumaan sa south bound lane ng Guadalupe carousel station kung saan  sinita ito ng mga personnel ng Department of Transportation’s (DOTr) Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT), Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG).

Ang nasabing lady driver na nagpakilalang Major Miguel ay tinatayang nasa pagitan ng 40-43-anyos na unang inireport sa Metrobase dahilan sa matulin na pagpapatakbo ng sasak­yan na ginamit pa ang carousel bus lane ga­ling Ortigas patungong Guadalupe, Makati City.

Samantalang tu­manggi rin ang lady driver na ibigay ang kaniyang lisensya sa mga traffic personnel nang magpakilala pa itong Major Miguel na umano’y miyembro ng ISAFP.

Ang nasabing lady driver ay pinaisyuhan na ng show cause order ng DOTr sa LTO bunga ng insidente sa paglabag sa trapiko na pilit nitong nilusutan.

Binigyang diin pa ng nasabing tanggapan na walang sinasanto ang kanilang operasyon laban sa mga pasaway sa lansangan.

vuukle comment

EDSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with