^

Metro

4 pulis ‘sex scandal’ sa mall parking, sinibak

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinanggal na sa puwesto ang apat na pulis na sangkot sa “sex scandal” na nauwi sa pamamaril nang mahuli sa aktong nagtatalik ang kani-kanilang mga asawa sa Laguna.

Ayon kay PNP Public Information Office chief at spokesperson Col. Jean Fajardo, sinampahan na rin ng kasong administratibo at kriminal ang apat na pulis.                                   

“Kinasuhan ng appropriate cases yung 2 involved na pulis at ni-relieve na rin sila sa puwesto, maging yung 2 rin po na other parties na ni-relieve na rin sila at nasampahan na rin ng kaso,” ani Fajardo.

Matatandaang nahuli sa aktong nagtatalik ang dalawang pulis ang kanilang mga asawang pulis din sa isang kotse na nakaparada sa parking lot ng isang mall sa Calamba City noong Abril 25.  

Kapwa police executive master sergeant (PEMS) ang mga nagtaksil umanong pulis, habang may ranggong police major at police master sergeant (PMSG) ang kanilang mga asawa. Sinubukan umano nilang tumakas kaya binaril ng major ang gulong ng sasak­yan. Nang makorner, dito naman binaril ng police master sergeant ang asawa na tinamaan sa hita at balikat.

Narekover ang baril na pag-aari ni PMSG at baril ni Major na parehong 9 mm.

Sinabi naman ni Regional Internal Affairs Service Calabarzon PIO Police Captain Virgilio Eupeña na nagka-conduct na ng motu propio investigation ang Laguna Provincial Internal Affairs Service (PIAS) ang tunay na nangyari.

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with