^

Metro

Higit 400 stude sumailalim sa road safety training

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mahigit 400 elementarya at high school mula sa iba’t ibang pampubliko at pribadong paaralan sa Muntinlupa City ang lumahok sa “Batang Munti Masunurin Road Safety Training” sa South Park Center, Muntinlupa City.

“Ang kabataan ay pedestrians din at gumagamit ng kalsada kaya importante na marunong silang magbasa ng signages at alam ang mga patakaran nito. Gusto nating bawat Muntinlupeño ay pamilyar sa rules and regulations at may disiplina sa kalsada para sa isang mas ligtas sa Muntinlupa,”pahayag ni Mayor Ruffy Biazon.

Ang mga pagtutulungang pagsisikap na ito ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa sa pamamagitan ng Youth Affairs and Sports Development Office (YASDO), Disaster Resilience and Reduction Management (MDRRM), at Metro Manila Development Autho­rity (MMDA) ay naglalayong bigyan ng tamang paraan ang mga kabataang mag-aaral sa pagmamasid sa kalsada, kaligtasan ng bisikleta at trapiko at upang maging pamilyar din sila sa wastong mga palatandaan at simbolo ng trapiko.

Ang mga kalahok ay aktibong nagbibigay-pansin sa isang simulation-based na pagsasanay at naatasang ipakita ang kanilang mga natutunan sa mga paksang ibinahagi ng mga in-house lecturer ng MMDA.

“Nagsasagawa tayo ng road safety training at an early age para maging disiplinado and proactive members of the society ang ating mga kabataan sa pamamagitan ng pagsunod sa basic traffic rules as well as having a safety-first mindset at all times,” sabi ni Josephine Vergara ng MMDA.

MUNTINLUPA CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with