^

Metro

2 senior citizen tepok sa heat stroke!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
2 senior citizen tepok sa heat stroke!
Stock image of a man suffering from chest pain.
Pixabay / Tumisu

MANILA, Philippines — Dalawang senior citizen na pinaniniwalaang inatake ng heat stroke ang natagpuang patay sa kanilang bahay sa Brgy. Kristong Hari, ­Quezon City kahapon ng umaga.

Nakilala ang mga biktima na sina Asuncion Castro Sancho, 82, kasambahay at among si Vivencio Araneta ­Villamora, Jr., 64; kapwa residente ng Cluster H, Unit C2, Woodside Homes Condominium, No. 100 Doña Hemady St., Brgy. Kristo ng nabanggit na lungsod.

Batay sa imbestigasyon ni PCpl. Jordan Barbado ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) natagpuan ang mga biktima dakong alas-9:15 ng umaga sa naturang bahay.

Nakatanggap ng tawag ang security guard na sina Rodolfo Supero at Engr. Jerwin Camason, pati na ang mga brgy. kagawad na sina Engga Biares at Manny Prado na may patay sa nasabing condo. Agad  nilang pinuntahan ang nasabing unit at doon ay bumungad sa kanila ang bangkay ng housemaid na nakahiga sa kama, habang nakahandusay naman sa banyo si Villamora.

Wala namang nakita ang SOCO Team ng QCPD Forensic Unit sa pangunguna ni PLt. Rey Ebol na anumang physical injury sa isinagawang cursory examination sa mga bangkay.

Sa pahayag ng tatlo pang kasambahay, matagal nang bedridden ang 82-anyos na kasamahan habang wala naman umano silang nalalaman na may sakit ang kanilang amo.

Matinding init at heat stroke ang isa sa mga tinitignang dahilan ng pagkamatay ng mga biktima bagama’t isinailalim pa rin sa awtopsiya ang mga bangkay.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with