^

Metro

Gobyerno, simbahan handa na sa Traslacion

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Gobyerno, simbahan handa na sa Traslacion
Devotees queue for the traditional "pahalik" on the image of the Black Nazarene at the Quirino Grandstand in Manila on January 6, 2024.
STAR/ Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Kumpiyansa ang pamahalaan at ang Simbahang Katolika na sapat na ang kanilang mga naging paghahanda para sa pagbabalik ng Traslacion na pa­ngunahing tradisyon sa Pista ng Itim na Nazareno ngayong Martes na inaasahang dadaluhan ng milyong mga deboto.

Sa ambush interview sa may Quiapo church kahapon, muling sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief, Ge­neral Benjamin Acorda Jr. na wala silang natatanggap na banta sa okasyon.

“We reiterate that we have not receive any threats, but our preparation are for the worst that could happen,” pagtitiyak ng heneral.

Nasa kabuuang 15,555 puwersa ng pamahalaan kabilang ang mga pulis, mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection, at iba pang ahensya ang ikakalat.

Samantala, nagtayo na ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila ng “field hospital” sa may Kartilya ng Katipunan upang dito dalhin ang lahat ng mananampa­lataya na magkakasakit o masasaktan sa Tras­lacion.

Nananawagan si Mayor Honey Lacuna sa mga deboto na may sakit o kaya ay may edad na, na manatili na lamang sa bahay at manood sa telebisyon o sa online ng misa o ng mga pangyayari sa Traslacion upang mapanatili ang kanilang kalusugan.

Maninita umano ang lokal na pamahalaan sa mga deboto na walang suot na face mask kasabay ng pagbibigay nila sa mga walang suot nito. 

Kahapon, nagsagawa na rin sila ng pagbubungkos sa mga nakalawit na mga kawad ng kuryente sa mga ruta na daraanan ng Traslacion, bukod pa sa naunang paglilinis at pagkukumpuni sa mga kalsada.

Kinumpirma rin niya na magkakaroon ng “signal jamming” sa Traslacion kaya humi­ngi siya ng pang-unawa sa publiko dahil para sa kaligtasan na rin ito.

vuukle comment

NAZARENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with