Rider tumakas sa ‘Oplan Sita’: Angkas nahulog huli sa baril at droga
MANILA, Philippines — Timbog ang isang 40-anyos na babaeng angkas nang mahulog mula sa motorsiklo na tinulungan pa ng mga awtoridad at kalaunan ay nakuhanan ng baril at ilegal na droga sa Las Piñas City.
Nabatid na naunang umiwas sa ‘Oplan Sita’ ang rider at sa pag-iwas at nahulog ang angkas nitong si Maricel Fultura na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Acvt of 2002) at RA 10591 (Comprehensive Firearm and Ammunition Act).
Nabatid na kasalukuyang, nagsasagawa ng ‘Oplan Sita’ ang Tactical Motorcycle Riders Unit (TMRU) ng Las Piñas Police sa kahabaan ng Padre Diego Cera Avenue, Barangay Pulang Lupa Uno, Las Piñas City, dakong alas 11:30 ng gabi kamakalawa.
Pinara ng mga ito ang motorsiklo ng mga suspect dahil sa walang suot na helmet.
Sa halip na huminto ay nag-iba ng direksiyon ang rider at mas binilisan ang takbo na naging dahilan para mahulog ang angkas na si Fultura.
Nakatakas ang rider na si alyas Lolong habang si Fultura naman ay tinulungan pang ibangon ng mga pulis.
Sa proseso ng pagtatanong kung bakit tumakas ang driver ng motorsiklo, isinagawa rin ang procedural search at nadiskubre sa dalang lambanog bag nito ang nasa 1.4 gramo ng shabu na may street value na ?9,520.00, isang kalibre 45 baril, magazine na may dalawang bala at ?31,000.00 cash.
- Latest